MM Mayor,nagreregalo ng mamahaling relo sa kanyang chiching

ALAM n’yo bang galante pala kung magregalo ang isang mayor sa Metro Manila?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Justice Sec. Simeon Datumanong, Rep. Joey Hizon ng Manila; Alex dela Cruz, Peter Paul Sales, Jovrex Baliton at Victor Estilong.
* * *
Alam n’yo bang galanteng magregalo ang isang mayor sa kanyang chiching?

Ayon sa aking bubuwit, ang bagong chiching ni Mayor ay isang pokpok.

Sandamakmak na ang chiching ni Mayor subalit ito ay suma-sideline pa rin sa mga pokpok.

At itong pokpok na naidate ni Mayor ay chiching na niya ngayon.

Magaling pala ang performance nitong pokpok kaya naging regular customer na siya.

At nang bandang huli, naging chiching na ni Mayor.

Dahil natuwa si Mayor sa pokpok, niregaluhan niya ito ng mamahaling relo. Isang ladies watch na Cartier.

Wow, magkano ba ang relong ganyan. Di ba umaabot sa P20,000 ’yan?

Ayon sa aking bubuwit, ang pokpok na kinalolokohan ngayon ni Mayor ay hindi naman basta-basta pokpok.

Siya ay college graduate. Makinis, maganda at seksi.

Ang nasabing pokpok ay halos kahawig ng kanyang kasalukuyang chiching. May pagka-Tsinita rin. Hindi siya mapagkakamalang pokpok. Kasi mukhang disente.

Ang pokpok na chiching ni Mayor na madalas niyang i-date sa Shangrila Hotel sa Makati City at Heritage Hotel ay itago na lang natin sa pangalang Cristy.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang mayor sa Metro Manila na nagregalo ng relong Cartier sa isang pokpok ay walang iba kundi si mayor…

Siya ay mayor sa isang siyudad. Kilalang tsikboy, matangkad, moreno at saka medyo kalbuhin.

Siya ay hiwalay ngayon sa kanyang misis na nagkaroon ng illicit love affair sa isang DJ sa probinsiya.

Ang kanyang chiching ngayon ay anak ng dating nakatira sa Malacañang. Siya ay nagbabalak na kumandidatong senador.

Ang mayor na ito ay walang iba kundi si Mayor…

Ang tulis mo talaga Boy. Hanep kang talaga!

Siya ay si Mayor J as in Joy.

Show comments