^

PSN Opinyon

Illegal possesion of firearms

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
MATAPOS ang pagmamatyag ng pulisya sa mga Muslim na sina Al Moussa at sa lima nitong kasamahan na nakatira sa isang compound, nag-apply sila sa RTC para sa search and seizure warrant ng mga bagay na matatagpuan sa apartment nito. Hawak ang warrant, dito ay nakuha ng pulisya ang mga ilang armas, amunisyon at mga paputok at ilang kagamitan sa paggawa nito, lahat ay tiyak na tinukoy sa inisyung warrant. Kaya, kinasuhan sina Moussa at mga kasamahan nito ng illegal possession of firearms, ammunitions and explosives ng PD 1866.

Subalit iginiit nina Moussa na hindi sila maaaring kasuhan ng paglabag sa PD 1866 dahil ang mga nakuhang bagay ay hindi naman nila aktwal na pag-aari.

Tama ba sina Moussa?

HINDI.
Ang aktwal na pag-aari sa mga amunisyon at armas ay hindi kinakailangang elemento para sa prosekyusyon sa ilalim ng PD 1866. Ang pag-aari ay maaring alinman sa dalawa: Pisikal o konstruktibo na may animus possidendi o ang intensyong pag-aari ng armas. Ang animus possidendi ay isang kundisyon ng pag-iisip kung kaya matutukoy lamang ito sa pamamagitan ng mga nauna at kasalukuyang aksyon ng akusado at sa mga pangyayari na magsasabi kung paano napunta sa kanyang pag-aari ang mga armas at amunisyon.

Ang mga ito ay kinakailangang patunayan sa paglilitis ng kaso ( Al Ghoul et. Al. Court of Appeals G.R. 126859 September 4, 2001).

AL GHOUL

AL MOUSSA

COURT OF APPEALS G

HAWAK

KAYA

MOUSSA

PAG

PISIKAL

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with