Housing program, nasa internet na
June 27, 2003 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Ako po ay 4th year high school. Sumulat ako upang humingi ng tulong. May report po akong ipipresenta sa klase at ang napili ko pong topic ay tungkol sa programa ng pabahay.
Saan po kaya ako puwedeng mag-research tungkol sa mga programang pabahay? Makikita ko po ba sa internet ang mga datos na kakailanganin ko? DELIA MARQUEZ, Sampaloc, Manila
Maraming salamat sa iyong liham at natutuwa ako na iyong napagpasyahan na gumawa ng report tungkol sa programang pabahay ng ating pamahalaan.
Magandang balita para sa iyo at sa mga estudyanteng kagaya mo maging sa mga mananaliksik, ang mga impormasyon tungkol sa programang pabahay, mga batas at polisya ng gobyerno ukol dito, mga lokasyon ng mga proyekto ay makikita na sa website ng HUDCC sa www.hudcc.gov.ph. Kung bibisitahin ito ay mababasa rin at mapuntahan ang mga website ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno na nasa ilalim ng HUDCC gaya ng NHA, Pag-IBIG (o HDMF), HGC at HLURB.
Maaari ka ring tumawag sa aking tanggapan, telephone numbers 811-41-68/811-41-70 upang maipadala namin ang mga brochures at primers ng aming mga programa at proyekto. Maraming salamat sa iyong pagtangkilik sa PSN. MIKE DEFENSOR

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended