Matindi ang "kamandag" ng sindikatong ito na pinamumunuan ng dalawang babae. Umani na ang mga ito ng mahigit sa P70 million sa kanilang modus.
Mahigit na sa 500 katao ang mga nabiktima ng mga ito mula sa mga probinsya. Ito rin yung grupo na nagpasimuno na nangangailangan daw ang bansang Australia ng mga "apple pickers" na papasuwelduhan ng $1,300 at free ang board and lodging.
Agresibo ang mga ito sa paggamit ng mga radio advertisement sa mga probinsiya kung saan ipinapangalandakan nila na may mga esklusibong job orders sila sa mga bansang tutulo ang laway ng mga promdi.
Kasalukuyang nangangalap ang grupong ito ng mga mabibiktima nila sa kanilang panibagong modus. Sinasabi ng mga ito na may mga job orders na naman sila sa mga bansang Poland at Sweden.
Malakas ang loob ng dalawang namumuno dahil malawak ang kanilang koneksyon sa gobyerno, simula sa mga huwes at piskal, mga ahente ng NBI, immigration agents at mga pulis.
Pinangalandakan pa raw ng sindikatong ito na ACCRA law office ang may hawak sa kanila.
Puwes, susubukan namin ang uri ng kamandag ng mga sindikatong ito. Tinatanggap namin ang hamon. Sabihin na natin, kami na ang nanghahamon!
Tulad ng kapalpakang nangyari kung saan magdamag ang pagditine sa mahigit na 40 "jaywalkers".
Natulog pa raw ang mga ito sa kulungan na langhap ang bantot ng trak ng basura na malapit sa kanilang kinalalagyan.
Marahas naman yata ang aksyon ng mga tauhan mo, ni hindi man lang yata ipinaabot sa kaalaman nyo. Karamihan sa mga nahuli ay mga first offenders. Dapat reprimand at konting lecture lang.
Tuloy, yang Mayor nyo nagmukha ring tanga sa mga himpilan ng radyo. Nagpapaliwanag yung pobreng poging alkaldeng mahilig sa mga bulaklaking polo.
Wala siyang kamuwang-nuwang. Para siyang naiputan sa bumbunan na nagpapaliwanag. Tsaka wala naman talagang kinalaman yung pobreng alkalde.