^

PSN Opinyon

Big time human smuggling syndicate pinagyabang ang ACCRA Law Office

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MINAMANMANAN ngayon ng aming investigative team ang isang grupo ng malaking sindikato na nasa likod ng human smuggling sa ating bansa.

Matindi ang "kamandag" ng sindikatong ito na pinamumunuan ng dalawang babae. Umani na ang mga ito ng mahigit sa P70 million sa kanilang modus.

Mahigit na sa 500 katao ang mga nabiktima ng mga ito mula sa mga probinsya. Ito rin yung grupo na nagpasimuno na nangangailangan daw ang bansang Australia ng mga "apple pickers" na papasuwelduhan ng $1,300 at free ang board and lodging.

Agresibo ang mga ito sa paggamit ng mga radio advertisement sa mga probinsiya kung saan ipinapangalandakan nila na may mga esklusibong job orders sila sa mga bansang tutulo ang laway ng mga promdi.

Kasalukuyang nangangalap ang grupong ito ng mga mabibiktima nila sa kanilang panibagong modus. Sinasabi ng mga ito na may mga job orders na naman sila sa mga bansang Poland at Sweden.

Malakas ang loob ng dalawang namumuno dahil malawak ang kanilang koneksyon sa gobyerno, simula sa mga huwes at piskal, mga ahente ng NBI, immigration agents at mga pulis.

Pinangalandakan pa raw ng sindikatong ito na ACCRA law office ang may hawak sa kanila.

Puwes, susubukan namin ang uri ng kamandag ng mga sindikatong ito. Tinatanggap namin ang hamon. Sabihin na natin, kami na ang nanghahamon!
* * *
Western Police District (WPD) Director General Pedro Bulaong, patigilin mo nang pagbabasa ng komiks yang iyong mga pulis. Sa halip bigyan mo ng mga kopya ng ordinansa ng lungsod ng Maynila, nang huwag naman silang magmukhang mga sangkaterba’t kalahating tanga.

Tulad ng kapalpakang nangyari kung saan magdamag ang pagditine sa mahigit na 40 "jaywalkers".

Natulog pa raw ang mga ito sa kulungan na langhap ang bantot ng trak ng basura na malapit sa kanilang kinalalagyan.

Marahas naman yata ang aksyon ng mga tauhan mo, ni hindi man lang yata ipinaabot sa kaalaman n’yo. Karamihan sa mga nahuli ay mga first offenders. Dapat reprimand at konting lecture lang.

Tuloy, yang Mayor n’yo nagmukha ring tanga sa mga himpilan ng radyo. Nagpapaliwanag yung pobreng poging alkaldeng mahilig sa mga bulaklaking polo.

Wala siyang kamuwang-nuwang. Para siyang naiputan sa bumbunan na nagpapaliwanag. Tsaka wala naman talagang kinalaman yung pobreng alkalde.
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t katiwalian, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0918-9346417 at sa telepono 932-5310 / 932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang "BITAG" sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.

AGRESIBO

BIYERNES

DAPAT

DIRECTOR GENERAL PEDRO BULAONG

KARAMIHAN

KASALUKUYANG

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with