Maraming trabahador, wala namang trabaho
June 27, 2003 | 12:00am
PUMALO sa 12.2% ang unemployment nitong Abril, mula 10.6% nung Enero. Mahigit 4.22 milyong Pilipino ang walang trabaho nung Abril, kumpara sa 3.56 milyon nung Enero. Dumagsa kasi ang graduates sa kolehiyo at vocational schools na maari nang magtrabaho. Nung Abril 2002, 4.87 milyon din ang naghahanap ng trabaho.
Kulang ang trabaho sa dami ng tao. Pero pagtawid lang ng Pacific, maraming trabaho at kulang ang tao. Sa California, high school students pa lang ay ineempleyo nang salesman sa malls o waiter sa restaurants. Bumagsak nga ang ilang computer software companies sa Silicon Valley, pero dagliang nakakuha ng trabaho sa ibang siyudad ang mga nasisante.
Maraming rason kaya mababa ang employment sa Pilipinas. Isa ang bilis ng population growth. Mas maraming isinisilang na tao kaysa negosyo. Pero kinokontra ng simbahan ang family planning.
Bintang ng mga obispo, maruming opisyales ang maysala. Imbis na itustos sa infrastructures ang pera, sa bulsa nila naiipit. Ang paggawa ng kalye at tulay, pier at paliparan, palengke at iskuwela ay nagdudulot ng trabaho. At kapag natapos na, nagdudulot naman ng komersiyo. Pero kung binubulsa ang pondo, hindi umaandar ang proseso ng pag-unlad.
Anang mga negosyante, labor laws ang sanhi ng unemployment. Masyado raw pabor ang batas sa manggagawa kaysa kapitalista. Konting kibot, strike agad. Lugi ang negosyo, sarado ang kumpanya, tanggal ang empleyado dahil over-protected daw ang laborers. Natatakot tuloy ang negosyante magbukas ng bagong kompanya o mag-expand ng luma. Sa California kung saan puwedeng manibak kahit kelan, mas malakas ang loob ng negosyante. At mas marami namang trabaho.
Sagot ng mga unyonista, kasalanan ng ganid na kapitalista. Kaya raw maraming batas sa paggawa ay para protektahan ang laborers sa mababang sahod, mapeligrong trabaho, at maabusong pagtrato.
Iba pang rason: Kesyo pangit ang edukasyon o mali ang kurso. Pero para sa akin, puro kasi dakdak at walang pagkakaisa sa solusyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended