^

PSN Opinyon

Droga malapit nang malaos

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MATINDI ang kampanya ng gobyerno sa illegal drugs. Hindi ito titigilan kahit na siguro dumami pa ang makasama ni Satanas sa impyerno dahil hindi talaga lulubayan ng pamahalaan ang mga drug lords at pushers.

Kaya ang batas laban sa mga gagong ito ay lalo pang hinigpitan.

Siguradong lilipat ng lugar ang mga drug lords at pushers. Magpapalamig para iwasan ang bagsik ng grupo nina dating Manila Mayor Fred Lim, Reynaldo Jaylo at Lucio Margallo.

Wala nang magpapa-bright-bright sa puntong ito. Tiyak iigtad ang mga patong sa droga.

Maghuhugas-kamay, parang si Pilato!

Hindi puwedeng biruin ang grupo ni Lim, Jaylo at Margallo basta nasa tama sila at lumabag sa batas ang mga tarantado siguradong may paglalagyan.

Sana sa libingan ng mga bayani, este mali, ng mga adik pala dapat silang ihulog?

Mas maganda pa kung magkakaroon ng libingan ang mga dupang para ma-exclusive nila ang kanilang himlayan.

Ang nakasulat sa kanilang mga puntod "adik ako kaya dito ako nakalibing," he-he-he!

Lalong gaganda ang blending nina Lim at PDEA bossing Avenido porke mas matatakot ngayon ang mga tulak.

Alam nilang hindi sila bibiruin ng grupo.

Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, magiging drug-free na ang Pinas kapag nagkataon.

"Hindi ba duplication of functions ang pagtatalaga sa bagong grupo ni Lim?" anang kuwagong hitad.

"Mas maganda nga para magkabantayan," sagot ng kuwagong urot.

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Kailangan may counter sa mga intelligence," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Siyempre para walang masabi ang taumbayan na niluluto ang operasyon laban sa droga?"

"Bilib ako sa iyo, naisip mo pa iyan, kamote."

ALAM

ANO

AVENIDO

BILIB

CRAME

LUCIO MARGALLO

MANILA MAYOR FRED LIM

REYNALDO JAYLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with