Ayon kay Mayor Evelyn Paulino, ang coffee industry sa kanila ay bumuhay sa 400 pamilya. Noong nakaraang taon, nakapagbenta sila ng 30 toneladang kape na ang brand ng barakong kape ay Laverica.
Ayon pa rin kay Mayor Pauline ang Bulacan brewed coffee ay natulungang umunlad sa paggamit ng organic fertilizer. Masinop at malinis ang paghahanda nila ng kape na ibinebenta na naka-foil. Sinabi rin niya na malaking tulong sa paglago ng negosyo ng kape sa bayan nila ay ang farm-to-market roads na malaki na ang iniunlad.
Dati ay hirap ang mga magsasaka na magluwas ng kanilang mga produkto dahil sa malubak at sira-sirang kalsada. Kapag Pasko ay mas mabenta ang mga kape na nirerepak sa bote. Ang Donya Remedios Trinidad ay vegetable basket ng Bulacan. Marami ring taniman ng pinya roon.