Mga bulaang propeta
June 25, 2003 | 12:00am
ANG propeta ay isang taong nabiyayaan ng grasya at karisma.Ipinahahatid niya ang ninanais ng Diyos sa kanyang sambayanan. Subalit may mga bulaang propeta rin.
Si Jesus, ang Propeta ng Ama, ay kumondena sa mga bulaang propeta. Tingnan natin kung paano isinalarawan ni Jesus ang mga ito sa Ebanghelyo ni Mateo (Mt. 7:15-20).
"Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta; nagsisilapit sila sa inyo na animoy tupa, ngunit ang totooy mababangis na asong-gubat. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Napipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa puno ng aroma? Nagbubunga ng mabuti ang bawat mabuting punongkahoy, subalit nagbubunga ng masama ang masamang punongkahoy. Hindi maaaring magbunga ng masama ang mabuting punongkahoy, ni ng mabuti ang masamang punongkahoy. Ang bawat puno na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. Kaya nga, makikilala ninyo sa kanilang mga gawa ang mga bulaang propeta."
Ano ang ginagawa ng mga bulaang propeta? Kapag nais ng Diyos na ang mga taoy tumalikod sa kanilang makasalanang pamumuhay, ang mga bulaang propeta ay nagsasabi naman sa mga tao na manatili sa kanilang uri ng pamumuhay. Nang kinondena ng Diyos ang mga pakikipag-alyado sa mga pagano, itinaguyod naman ng mga bulaang propeta ang mga naturang pakikipag-alyado. Nang sabihin ng Diyos ang mga darating na kapinsalaan at kaparusahan, ang mga bulaang propeta namay nagsulsol pa sa mga tao na kumain, uminom at magsaya.
Ang mga bulaang propeta ay parang mga asong-gubat na nagtatago sa damit ng tupa. Inihalintulad din ni Jesus ang mga bulaang propeta sa mga nabubulok ng mga puno. Ang isang mabuting propeta ay tulad ng isang mabuting puno na namumunga ng mabuting bunga.
Si Jesus, ang tunay na propeta ng Ama ay nagsasabi sa atin kung paanong mamuhay na makalulugod sa Ama. Sinasabi sa atin ni Jesus na maging payak at simple ang pamumuhay. Sinasabi rin niya sa atin na maging mapagkawanggawa. Ipinakikita rin niya ang karunungan ng krus.
Tunghayang palagi si Jesus. Siya ang tunay na propeta.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest