^

PSN Opinyon

Peace talks sa terorista

SAPOL - Jarius Bondoc -
BAKIT pa makikipag-peace negotiations sa mga terorista, tanong ko kay presidential adviser on special concerns Bert Gonzales tungkol sa Moro Islamic Liberation Front. "E kasi nga terorista, kaya kailangan kausapin," mabilis niyang tugon.

Hindi pa pormal na dinedeklarang "international terrorist group" ang MILF. Umatras ang gobyerno sa plano. Nangako kasi si US President George W. Bush na maglalaan ng taunang $30 milyon sa Mindanao kung magkaroon ng peace pact, at si Malaysian Prime Minister Mohamad Mahathir na tutulong siya sa peace talks. Pero terorismo na ang ginagawa ng MILF.

Lantaran sila pumatay ng civilians sa Maigo, Siocon at Carmen; winasak nila ang civilian water reservoir at electric tower sa Koronadal. Umamin pa si Muklis Yunos na siya ang namuno sa Rizal Day bombings sa Metro Manila nu’ng 2000. At umamin na rin ang mga hinuling bombers sa airports ng Davao at Cotabato cities. Kaya nga 97% ng taga-Maynila ay pabor sa punitive military actions na inutos ni President Gloria Arroyo sa mga salarin.

Katuwiran ni Gonzales, hindi kaya ng militar lipulin ang 12,000 rebelde. Mahigit 20 taon na sila sa giyera; tuwing may nalalagas, may pumapalit. Sang-ayon si presidential adviser on the peace process Ed Ermita, isang dating heneral. Mabuti na raw kausapin ang MILF at ibigay ang kabuhayan at karapatang hinihingi-huwag lang tumiwalag ng teritoryo ng Pilipinas.

Sa pakikipag-usap niya kay MILF military vice chairman Ibrahim Murad, ani Gonzales, pabor ang central committee sa peace talks. Nais nila na umunlad ang buhay ng Moro, maitayo muli ang mga nawasak na komunidad, at maluklok sa Autonomous Region for Muslim Mindanao-tulad ni Nur Misuari na Moro National Liberation Front nu’ng 1996.

Pero pano ang katarungan para sa mga pinatay nila?
* * *
Abangan: Linawin Natin, Lunes, 11 p.m., sa IBC-13.

AUTONOMOUS REGION

BERT GONZALES

ED ERMITA

GONZALES

IBRAHIM MURAD

LINAWIN NATIN

MALAYSIAN PRIME MINISTER MOHAMAD MAHATHIR

METRO MANILA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with