Kung minsan namay makatatanggap ka ng tawag sa telepono. Sasabihing ikaw ay nanalo na ng libreng trip sa Amerika at aanyayahan kang kunin ang iyong premyo sa isang itinakdang lugar. Pagdating doon ay kung anu-ano palang "imposibleng" kalakal ang ibebenta sa iyo at kung hindi mo bibilhiy hindi mo maki-claim ang premyo.
Kamakailan, dalawang "manlolokong" kompanya ang kinasuhan ng Department of Trade and Industry sa paglabag sa consumer act o ang batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga mamimili. Mga lehitimong kompanya ito pero ang kanilang mga gimik sa pagbebenta ng produkto ay labag sa batas.
Kabilang sa mga kompanyang ito ang Penny and Nickel at AOWA na pinagmulta nang malaki ng DTI at sinampahan ng karampatang kaso. Nangako naman ang AOWA na ititigil na ang ganyang mapandayang diskarte. "Kasumpa-sumpang gawain iyan" ani Trade Secretary Mar Roxas na nagsasabing natuklasan ng DTI ang anomalya dahil na rin sa sumbong ng maraming nabiktimang consumers.
Mr. Secretary, huwag lang multa ang ipataw sa mga hunghang na traders na sa layuning makapagbenta ay dinaraya ang mga tao sa pamamagitan ng mga ganyang gimik. Suguroy puwedeng palampasin sa una at ikalawang paglabag sa pamamagitan ng malaking multa lamang. Pero kapag umulit, ikalaboso ang mga may ari ng ganyang mga kompanya.
Sa mga kababayan naman natin, huwag tayong kumagat agad sa mga mapang-akit na gimik. Sa sandaling may lumapit sa inyo na kung anu-anong magagandang bagay ang ino-offer, mag-isip na kayo at isumbong ang mga iyan sa DTI.