^

PSN Opinyon

Mga gimik ng manlolokong traders dapat durugin ng DTI

- Al G. Pedroche -
NAKARANAS na ba kayong lapitan ng taong nag-aalok ng kupon para i-fill-up at sumali kayo sa isang raffle nang "walang ano mang bayarin o obligasyon" kuno? Madalas, kaakit-akit ang mga premyo, tulad ng all-expenses paid trip to USA o kaya’y magarang kotse. At komo naisulat ninyo sa kupon ang inyong address at numero ng telepono, sisimulan na kayong kulitin ng mga sales agent na nagbebenta nang kung anu-anong kalakal o serbisyo. Ang siste, overpriced ang mga produktong kanilang itinitinda.

Kung minsan nama’y makatatanggap ka ng tawag sa telepono. Sasabihing ikaw ay nanalo na ng libreng trip sa Amerika at aanyayahan kang kunin ang iyong premyo sa isang itinakdang lugar. Pagdating doon ay kung anu-ano palang "imposibleng" kalakal ang ibebenta sa iyo at kung hindi mo bibilhi’y hindi mo maki-claim ang premyo.

Kamakailan, dalawang "manlolokong" kompanya ang kinasuhan ng Department of Trade and Industry sa paglabag sa consumer act o ang batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga mamimili. Mga lehitimong kompanya ito pero ang kanilang mga gimik sa pagbebenta ng produkto ay labag sa batas.

Kabilang sa mga kompanyang ito ang Penny and Nickel at AOWA na pinagmulta nang malaki ng DTI at sinampahan ng karampatang kaso. Nangako naman ang AOWA na ititigil na ang ganyang mapandayang diskarte. "Kasumpa-sumpang gawain iyan" ani Trade Secretary Mar Roxas na nagsasabing natuklasan ng DTI ang anomalya dahil na rin sa sumbong ng maraming nabiktimang consumers.

Mr. Secretary, huwag lang multa ang ipataw sa mga hunghang na traders na sa layuning makapagbenta ay dinaraya ang mga tao sa pamamagitan ng mga ganyang gimik. Suguro’y puwedeng palampasin sa una at ikalawang paglabag sa pamamagitan ng malaking multa lamang. Pero kapag umulit, ikalaboso ang mga may ari ng ganyang mga kompanya.

Sa mga kababayan naman natin, huwag tayong kumagat agad sa mga mapang-akit na gimik. Sa sandaling may lumapit sa inyo na kung anu-anong magagandang bagay ang ino-offer, mag-isip na kayo at isumbong ang mga iyan sa DTI.

AMERIKA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

KABILANG

KAMAKAILAN

KASUMPA

MR. SECRETARY

PENNY AND NICKEL

TRADE SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with