^

PSN Opinyon

Jueteng nga di madurog ni Lina droga pa kaya?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
PAANO maniniwala ang sambayanan na seryoso si Interior Secretary Joey Lina sa kampanya niya laban sa droga kung ang Laguna na mismong probinsiya niya ay hindi niya malinis sa sugal na jueteng? Talamak pa rin kasi ang jueteng sa Laguna at anong moral asendancy ni Lina para isulong ang kampanya niya sa droga kung meron siyang iniwang dumi mismo sa kanyang probinsiya nga? Kung sa jueteng, hindi pinapansin ang nagtatalsikang laway ni Lina sa droga pa kaya? At ang pahabol pang tanong ng sambayanan, kung walang bayag si Lina na walisin ang jueteng sa Laguna, eh di ibig sabihin niyan palpak din siya kung droga ang pag-uusapan?

May sumulat kasi sa akin mga suki at pinangalanan niya ng mga financiers ng jueteng sa Laguna na sina Vic Alonzo at Nora de Leon sa District 4; Jun Evangelista ng Greenhills, San Juan sa 1st district; alyas Palito ng Calamba at Butik ng Bay sa 2nd district at Totoy Jaruta sa 3rd district. Ang kubransa nina Alonzo at Nora de Leon ay umaabot sa P1 milyon sa isang araw, P300,000 ang kay Evangelista, P700,000 ang kina Palito at Butik at P1 milyon din ang kay Jaruta. Tatlong beses silang magbola sa isang araw mga suki. Maging sa bayan ni Lina sa Victoria ay P100,000 kada araw ng koleksiyon ni Nora de Leon, anang sulat. Pero walang bola roon dahil itinatawid ni Nora de Leon ang nakubra niyang taya sa bayan ng Pila, he-he-he! Sisingaw at sisingaw talaga ang baho.

Ang ilan sa mga lokal na manager ng mga jueteng lords, ayon sa sulat, ay sina alyas Leo sa San Pedro; Siano at Ruel Vic sa Biñan; sa bayan ni Mayor Arcillas sa Sta. Rosa ay sina Aris at Nel; siyempre si Palito sa Calamba, sina Umboy at Ogie sa 4th district lalo na sa bayan nina Sta. Cruz Mayor Dennis Panganiban at Mayor Joel Cuento sa Sta. Maria. Pero kung namumugad ang jueteng sa Laguna, ang bayan naman ni Siniloan Mayor Gilmore Acer ay jueteng-free. Dapat lang palakpakan ng masigabong si Mayor Acer, di ba mga suki? Saludo akosa ’yo Mayor Acer Sir! May your tribe increase.

Hindi lang pala financier ng jueteng itong si Nora de Leon dahil management pa siya, anang sulat. At ang kasosyo ni De Leon ay si Molly Acuna. Sina de Leon at Acuna kasi mga suki ang dahilan kung bakit hindi magalaw-galaw nina Sr. Supt. Edwin Corvera, ang provincial director ng Laguna at Chief Supt. Jaime Caringal ang regional director ng Region 4 ang mga pasugalan diyan sa hometown ni Lina. Walisin mo rin itong sina Corvera at Caringal para hindi na sila pamarisan pa ng iba, Sec. Lina Sir.

Kapag management ka kasi ng jueteng mga suki, ibig sabihin niyan ikaw ang bahala sa lingguhang intelihensiya at makipag-usap kapag may huli. At dito titiba nang malaki sina Nora de Leon at Acuna dahil pipilitin nilang paliitin ang intelihensiya samantalang abot langit ang perang tinatanggap nila. Sa Laguna pala ay 13 percent sa daily gross sa jueteng ang napapunta kina Nora at Molly. Ang breakdown ay ganito, tig-3 percent kina Caringal at Corvera at ang natirang 6 percent ay paghati-hatian sa iba’t iba pang mga unit ng pulisya lalo na sa Camp Crame, he-he-he! Paano mapatitigil ni Lina ang jueteng eh bundat sa kabusugan itong kapulisan natin. Kapag nalinis na ni Lina ng jueteng ang Laguna saka tayo maniniwala na may patutunguhang maganda ang kampanya niya laban sa droga. Abangan!

ACUNA

BUTIK

CALAMBA

JUETENG

LAGUNA

LEON

LINA

NORA

PALITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with