Tsk, tsk. Ewan ko kung dapat umangal si Lacson at ang kanyang kampo. Sa tingin ko kasiy paborable sa kanya ang nagiging epekto ng ganitong "demolition campaign," kung talagang mayroon. Lalabas na underdog si Lacson at ang kanyang mga tirada sa diyaryo, radyo at telebisyon na kesyo "minamaniobra" na siyay mas mayroong positibong epekto sa kanyang image. Lalabas na kontrabida ang administrasyon at ang kampanya sa pagdurog sa bawal na gamot ay mawawalan ng kredibilidad.
Magaling ang mga "think-tanks" ni Senator Ping. Alam kung paano sasakyan ang isyu. Sana naman, ang taumbayan ay magsuring mabuti. Bagamat dapat bigyan ng benefit of the doubt ang akusasyon ni Lacson, lets not take it hook, line and sinker. Analisahin ang sitwasyon.
May mga haka-haka kasi akong naririnig na ang pag-raid diumano sa security agency ng utol ni Lacson, na kinatagpuan ng homemade bomb ay isang moro-moro para may rasong pumalag (kuno) si Lacson. Hindi naman tayo dapat lumundag agad sa ganyang konklusyon. Pero in the same vein, hindi tayo dapat agad maghusga na mayroon ngang paninira sa pagkatao ni Lacson na ginagawa ang administrasyon.
Madugo ang preparasyon ni Lacson para sa 2004. Pero paano kung si Danding Cojuangco ang mapiling standard bearer ng oposisyon? Papayag ba siyang sumegunda bilang bise? I doubt it. Pero kung aariba siya sa pagka-Pangulo kahit hindi siya ang i-endorso ng oposisyon, may panalo kaya siya lalo pat mababasag ang mga boto ng tao kung maraming magsisitakbo tulad nina Roco, Guingona, Pimentel at (bagamat tiniyak na hindi na tatakbo) si President GMA?