Isang kaibigan ang halos araw-araw ay nagpapadala ng green jokes na bagamat ang iba ay sobrang malaswa ay nakakatawa at pamawi ng lungkot, pagkabagot at pagod. Maging sa eskuwelahan ay may sex education na. Datiy nagkakamalisya, nagugulumihanan, nagba-blush, tumataas ang kilay at nahihiya kapag-sex ang pinag-uusapan ngayon ay normal na ang paksang ito.
Sa mga naging panauhin naming sex therapists naitanong kung ano ang maipapayo nila kung ilang beses ang dapat pagtatalik. May mga xexologists na nagsabi na minsan o makalawa sa isang linggo dapat na magsiping ang mag-asawa. Batay sa isang global study on sexual attitudes ang behavior, normal na tatlong beses mag-sex sa loob ng isang buwan.
Ayon kay Dr. Rosie King, isang Australian sex therapist na dumalaw sa Maynila noong isang taon, dapat na mag-sex hanggat gusto at kaya ng sexual partners. Idinugtong ni Dr. King na sex is often dictated by opportunity rather than desire. Sabi niya batay sa global study sa ibat ibang nationalities mas maraming taga-Belgium at Spain ang nagse-sex araw-araw.