^

PSN Opinyon

Sasakay pa ba kayo sa Jell Transit no. 4718?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SUMAKAY ang nurse na si Eduardo Andeo at ang kasamahan niya noong Lunes sa bus ng Jell Transit na may body number 4718 at nagkaroon sila ng hindi magandang karanasan na hindi nila malilimutan sa buong buhay nila. Kaya naman natin naisipang talakayin ang karanasan na ito ni Andeo ay para magsilbing leksiyon sa mga pasahero, bus companies at mga ahensiya ng gobyerno na nangangasiwa ng mga pampasaherong bus natin. Hindi kasi nagkaroon ng solusyon ang mga problema kung walang magreklamo, makialam at mag-guide sa ating mga Pilipino, di ba mga suki?

Umakyat si Andeo, na nagta-trabaho sa Comcare Clinic sa Parañaque City, at ang kasama niya sa naturang bus sa Commonwealth Ave., sa Quezon City sa bus na may rutang Alabang, Muntinlupa. Bago sila dumating sa Magallanes Ave. sa Makati City kung saan sila may dadaluhang orientation, nag-abot si Andeo ng buong P100 bilang pamasahe nilang dalawa. Umabot lang sa P50 ang ticket na iniabot ng kundoktor ng bus kay Andeo kaya’t maliwanag na may sukli pa siya.

Dahil hindi naman ibinigay kaagad ng kundoktor ang sukli nila ay napilitang magsawalang-kibo muna itong si Andeo. Pero nang matantiya niyang wala ng interes ang kundoktor na suklian sila eh biglang siningil siya ni Andeo at laking gulat niya ng sagutin siyang naibigay na niya ang sukli niya. Pinagalitan pa ng kundoktor si Andeo at ang kasama niya dahil dalawang beses na raw nilang ginawa ito sa kanya. Inakusahan sila ng kundoktor ng panloloko at walang nagawa ang dalawa kundi manliit sa hiya dahil halos lahat ng pasahero ng bus ay nakatingin sa kanila.

Nangatwiran si Andeo at ang kasama niya. Sinabi nilang mga professional sila at hindi nila gawaing manloko sa kapwa nila. Pero wa epek ang paliwanag nila. Pati ang drayber ng bus kinampihan ang kundoktor niya. Walang nagawa sina Andeo at kasama niya kundi lulugo-lugong bumaba sa bus sa Magallanes. Ipinangako nilang hinding-hindi na sila sasakay sa Jell Transit. Ilan pa kayang tulad ni Andeo ang nakaranas ng ganitong uring pang-aabuso o panlilinlang ng mga tuso nating drayber at kundoktor?

Hindi naman kaila sa atin mga suki na kung anu-anong krimen na tulad ng laglag-barya, salisi, pickpocket, holdap, cellphone snatching at iba pa ang nangyayari sa loob ng mga pampasaherong bus natin. At maraming beses ng napatunayan na ang mga kriminal na ito ay may sabwatan hindi lang sa kundoktor kundi maging sa drayber ng bus. Ang tanong, may nagagawa ba ang kapulisan natin at mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) para sawatain ang problema sa loob ng bus para naman ma-protektahan ang mga pasahero? Kailangan pa ba na may magbuwis ng buhay bago sila kumilos?

Sa panahon ngayon ng kagipitan na kahit singkong duling ay inihuhulog ng sambayanan sa kanilang alkansiya para mapadami at ihanda sa gastusin sa hinaharap. Aba hindi dapat binibitawan lang ang mga barya natin. Tinatawagan natin ang kompanya ng bus na aksiyunan itong reklamo ni Andeo. Kastiguhin mo na itong kundoktor at drayber n’yo bago n’yo mamalayang nawawalan na kayo ng pasahero.

ANDEO

BUS

COMCARE CLINIC

COMMONWEALTH AVE

JELL TRANSIT

KUNDOKTOR

NIYA

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with