Tungkol sa Community Mortgage Program
June 18, 2003 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Ako ay isang retiradong empleyado ng gobyerno na may namanang maliit na lupain dito sa aming lugar. Ang lupaing ito ay may limang taon nang tinitirhan ng mahigit 50 pamilya.
Naging maayos naman ang aming pag-uusap tungkol sa kanilang paninirahan sa lupang nabanggit ko. Buwan-buwan ay nagbabayad sila ng renta sa akin. Sa ngayon ay gusto ko sanang ibenta ang lupa sa kanila subalit alam kong wala silang pagkukunan ng pambayad. Nabasa ko ang inyong kolum tungkol sa programa ninyong Community Mortgage Program na tumutulong sa mga informal settlers. Paano ko kaya maibebenta ang aking lupa sa mga pamilyang ito at makakasiguro kaya ako na mababayaran?
Aasahan ko ang inyong kasagutan at sana ay matulungan ako. Gusto kong mapakinabangan ang aking lupa ngunit ayaw ko ring paalisin ang mga pamilyang nakatira dito dahil alam kong wala rin silang mapupuntahan. Salamat sa inyong panahon. Anita Cruz, Rizal
Napakabuti ng iyong layunin na ibenta ang lupang pag-aari sa mga pamilyang nakatira na diyan. Sa ganitong sitwasyon, may programa ang ating pamahalaan, ang Community Mortgage Program (CMP) para sa mga kababayan nating magkaroon ng pagkakataong makabili ng sariling tahanan at lupa.
Sa pamamagitan ng CMP ang mga komunidad na tumitira sa mga pribadong lupain ay may pag-asang bilhin ang mga lupang kanilang tinitirhan. Kinakailangan na ang 50 pamilya ay bumuo ng isang organisasyon na tatayong bibili ng inyong lupain. Pagkatapos ay kinakailangang may kasunduan kayo bilang may-ari at ang asosasyon o organisasyon bilang bibili, tungkol sa bilihan ng lupa at ang halaga nito.
Maaaring ipasok ang pagbili sa lupain ninyo upang pondohan ng CMP kung saan ang asosasyon ay uutang ng pondo subalit kailangang kumpleto ang mga papeles at dokumento at ang proseso ng National Home Mortgage and Finance Corporation (NHMFC) na tagapangasiwa ng programang ito, ay kailangang sundin. Ang utang ay unti-unting babayaran ng asosasyon at ng mga miyembro nito sa NHMFC. Samakatuwid, bahagi ng pera ibabayad sa inyo ay uutangin mula sa NHMFC at ang iba ay manggagaling mismo sa mga pamilya o asosasyon. Para sa karagdagang impormasyon hinihikayat ko na tumawag kayo o kaya ay makipag-ugnayan ang mga pamilyang sangkot sa telepono bilang 892-57-60. Maraming salamat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended