Ipinagtanggol ang ginagahasang pinsan
June 15, 2003 | 12:00am
Patungo si Jun-Jun sa gate ng bahay ng pinsang si Louella. Nang walang anu-ano nakarinig siya ng sigaw na humihingi ng saklolo ang pinsan. Kaagad siyang pumasok sa loob ng bahay at naabutan niya ang isang lalaking tangkang gahasain si Louella. Nakita ng rapist si Jun-Jun kaya sa binata niya ibinaling ang hawak-hawak na patalim. Tinangka niyang saksakin si Jun-Jun ngunit nakakita ito ng tubo kaya inihampas sa rapist. Pagkatapos ng ilang minutong kaguluhan, naagaw ni Jun-Jun ang patalim at isinaksak nya sa rapist.
Sabi po ni Jun-Jun, hindi siya dapat sampahan ng anumang kaso dahil ipinagtanggol lamang niya ang puri at buhay ng kanyang pinsan.
May katwiran ba si Jun-Jun? Mikaela Datugan, San Juan, MM
Bago po ang lahat, what are the elements to constitute defense of a relative? These are as follows: (1) Unlawful aggression on the part of the victim; (2) That there be reasonable necessity in the means employed to prevent or repel the unlawful aggression; and (3) In case the provocation was given by the person attacked, the one making the defense had no part therein.
Sa kaso ni Jun-Jun, may katwiran siya dahil lehitimong defense of a relative ang kanyang ginawa. Mayroong unlawful aggression mula sa rapist dahil sa pagtangka nito na saksakin si Jun-Jun. Ang paggamit ng tubo ni Jun-Jun ay makatwiran dahil ito ang pinakamalapit ng patalim na maari niyang gamitin upang pigilin ang pagsaksak sa kanya ng rapist. At nang masaksak niya ang rapist, ito ay reasonable dahil sila ay nag-aagawan sa patalim.
Kung hindi nanlaban ang rapist at basta-basta na lamang inagaw ni Jun-Jun ang patalim at nasaksak niya ito, hindi na pwedeng ituring na defense of a relative ang kasong ito dahil walang unlawful aggression laban sa kanya.
Pero hindi ganun ang nangyari. Ang third element ay present sa kasong ito dahil sa walang ginawang sufficient provocation si Jun-Jun upang siya ay saksakin ng rapist. Katunayan ang dahilan kung bakit tinangka siyang saksakin ng rapist ay para walang makapigil sa kanyang intensyon na pagsamantalahan ang inyong pamangking si Louella.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest