Samantala, sa uuwiang probinsya, nag-iinuman ang apat na magkakabarkada na sina Popoy, Wally at ang magkapatid na sina Danny at Benny. Si Popoy ay pipit bingi.
Nang sumapit na ang gabi, tumambay na lamang ang apat sa isang waiting shed sa highway. Habang nakatambay, uminom ng Pidol cough syrup sina Wally at Benny.
Nakita nila ang pagbaba ni Nadia sa bus. Sinabihan ng tatlo si Popoy na umuwi na lamang ito. Sinundan nila si Nadia habang papauwi ng bahay. Si Popoy, sa halip na umuwi ay patagong sinubaybayan ang tatlo habang sinusundan si Nadia. Nasaksihan niya ang karumal-dumal na ginawa ng tatlo kay Nadia.
Matapos ang tatlong buwan, kinasuhan sina Danny, Benny at Wally ng rape with homicide at theft. Subalit sina Danny at Benny lamang ang naaresto dahil nakatakas na si Wally.
Sa Korte, naging pangunahing ebidensya ang testimonya ni Popoy laban kina Danny at Benny. Naibigay ni Popoy ang kanyang testimonya sa pamamagitan ng sign language gabay ng isang expert interpreter. Ang nasabing interpreter ay may 22 taon nang karanasan sa programa sa TV at sa pagbibigay ng testimonya sa halos limang kaso sa Korte. Dahil sa tulong ng interpreter, natukoy ni Popoy ang biktimang si Nadia sa mga retratong ipinakita sa kanya. Isinalaysay niya ang nangyari kay Nadia.
Ayon kay Popoy, sa pamamagitan ng sign language, halinhinang ginahasa si Nadia ng tatlo. Pinasakan ng bote ang ari at pagkatapos ay kinuha ni Danny ang bag ni Nadia, kinuha naman ni Wally ang kamera at ang P3,000 samantalang kinuha ni Benny ang singsing, hikaw at relo. Ipinahayag din ni Popoy na tatlo at kalahating metro lamang ang layo niya sa mga suspect. Itinuro niya na ang dalawang kriminal na sina Danny at Benny.
Basehan ang testimonya ni Popoy, nahatulan sina Danny at Benny sa kasong rape with homicide na may sentensyang dalawang death penalties at sa kasong theft na may pagka- kakulong ng dalawang taon maximum.
Sa automatic review ng kaso, pinuna ng mga akusado ang testimonya ni Popoy. Wala raw itong pormal na edukasyon sa paaralan ng mga pipi at bingi kaya ang paggabay daw ng interpreter dito ay maaaring taliwas sa gustong sabihin ni Popoy. At ang kapansanan daw ni Popoy ay hindi nakapagbigay ng totoong pangyayari kaya hindi dapat maging basehan ng hatol ang testimonya nito.
Tama ba ang mga akusado?
MALI. Ang mga pipit bingi ay maaaring maging saksi kapag (a) nalalaman nila ang kahalagahan ng panunumpa sa Korte; (b) naiintindihan nila ang kanilang testimonya; at (c) may sapat na komunikasyon sila sa isang kuwalipikadong interpreter.
Sa kasong ito, naipahayag ni Popoy ang kanyang nasaksihan sa pamamagitan ng kuwalipikadong interpreter. Sapat na ring kilala niya ang mga kriminal at malinaw ang kanyang testimonya dahil na rin sa tatlong metro ang layo niya sa pangyayari. (Pp. vs. Tuangco et. Al. G.R. 130331 Nov. 22, 2000).