P1-M panghuhuthot ng Taguig Municipal Administrator
June 13, 2003 | 12:00am
TAGUIG Mayor Freddie Tinga, manmanan mo nang maigi ang aktibidades ng iyong Municipal Administrator na si Wilfredo Villar.
Kung sakaling sasabihin mong wala kang nalalaman, para ka niyang nilagyan ng "ipot" sa iyong bumbunan nang hindi mo man lang nalalaman.
Alam kong hindi maaaring kumilos ang iyong administrator na si Villar nang hindi pinadadaan sa iyong tanggapan lalo nat kapag pera ang pinag-uusapan.
Sinubukan daw ni Villar "huthutan" ng halagang P1 milyon ang isang malaking retail outlet na nakabase dyan sa Global City para mag-sponsor sa isang liga ng basketball.
Dinaan daw muna sa panggigipit ni "batchoy" ang nasabing "membership shopping" na retail outlet.
Hinanapan nya ng butas ang ibinayad na buwis nito sa munisipyo. Hindi raw tama ang halagang ibinayad at delinkwente pa raw ang retail outlet na ito na may branch sa Quezon City at magbubukas pa ng isa sa Parañaque.
Pero ang nakakaloko rito binigyan ng local na pamahalaan ng Taguig ng award ang nasabing "membership shopping" na retail outlet. Itoy pagkilala ng munisipyo bilang "GOOD TAX PAYER" .
Nagmumukhang "tanga" itong right hand man ni Tinga na si Villar. Alam ng kanyang "inoorbitan" na ginamitan muna siya ng "conditioner" nitong si Villar.
Alam ng lahat na ang hair conditioner kapag ginamit matapos mag-shampoo lumalambot, nagiging madulas at sumusunod ang buhok.
Hindi umubra ang istilo ni Villar. Bandang huli, siya ang lumambot. Hihirit lang pala ng P1 milyon sa sponsor para sa liga ng basketball.
Kahit na kaduda-duda, sabihin na nating may liga nga ng basketball na gustong sponsoran(tulungan) ng munisipyo ng Taguig, ganun ba kalaking halaga ang kinakailangan?
Bakit kinakailangan pang "gipitin at takutin" ang isang kumpanyang "GOOD TAX PAYER" naman at nakakatulong sa bayan ng Taguig?
Ganito na ba kagarapal ang munisipyo ng Taguig? O matindi lang talaga ang "pangangailangan" nitong si Villar na maisakatuparan ang pag-sponsor nya sa basketball league?
Mayor Freddie Tinga, uulitin ko, manmanan mo ng maigi ang aktibidades nitong si Villar. Alam namin na hindi kikilos si Villar nang wala itong basbas mo.
Tandaan ang kasabihan sa salitang Ingles Mayor Tinga, "Never kill a goose that lays golden eggs". Alagaan nyo ang mga kompanyang nakakatulong sa inyong bayan.
Para sa mga tips, reklamot sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0918-9346417 at sa telepono 932-5310 / 932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang "BITAG" sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.
Kung sakaling sasabihin mong wala kang nalalaman, para ka niyang nilagyan ng "ipot" sa iyong bumbunan nang hindi mo man lang nalalaman.
Alam kong hindi maaaring kumilos ang iyong administrator na si Villar nang hindi pinadadaan sa iyong tanggapan lalo nat kapag pera ang pinag-uusapan.
Sinubukan daw ni Villar "huthutan" ng halagang P1 milyon ang isang malaking retail outlet na nakabase dyan sa Global City para mag-sponsor sa isang liga ng basketball.
Dinaan daw muna sa panggigipit ni "batchoy" ang nasabing "membership shopping" na retail outlet.
Hinanapan nya ng butas ang ibinayad na buwis nito sa munisipyo. Hindi raw tama ang halagang ibinayad at delinkwente pa raw ang retail outlet na ito na may branch sa Quezon City at magbubukas pa ng isa sa Parañaque.
Pero ang nakakaloko rito binigyan ng local na pamahalaan ng Taguig ng award ang nasabing "membership shopping" na retail outlet. Itoy pagkilala ng munisipyo bilang "GOOD TAX PAYER" .
Nagmumukhang "tanga" itong right hand man ni Tinga na si Villar. Alam ng kanyang "inoorbitan" na ginamitan muna siya ng "conditioner" nitong si Villar.
Alam ng lahat na ang hair conditioner kapag ginamit matapos mag-shampoo lumalambot, nagiging madulas at sumusunod ang buhok.
Hindi umubra ang istilo ni Villar. Bandang huli, siya ang lumambot. Hihirit lang pala ng P1 milyon sa sponsor para sa liga ng basketball.
Kahit na kaduda-duda, sabihin na nating may liga nga ng basketball na gustong sponsoran(tulungan) ng munisipyo ng Taguig, ganun ba kalaking halaga ang kinakailangan?
Bakit kinakailangan pang "gipitin at takutin" ang isang kumpanyang "GOOD TAX PAYER" naman at nakakatulong sa bayan ng Taguig?
Ganito na ba kagarapal ang munisipyo ng Taguig? O matindi lang talaga ang "pangangailangan" nitong si Villar na maisakatuparan ang pag-sponsor nya sa basketball league?
Mayor Freddie Tinga, uulitin ko, manmanan mo ng maigi ang aktibidades nitong si Villar. Alam namin na hindi kikilos si Villar nang wala itong basbas mo.
Tandaan ang kasabihan sa salitang Ingles Mayor Tinga, "Never kill a goose that lays golden eggs". Alagaan nyo ang mga kompanyang nakakatulong sa inyong bayan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended