^

PSN Opinyon

Kalidad ng komunkasyon ng mga namumuno,ang problema ng GSIS

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NAGING laman ng espasyong ito kamakailan ang problema sa Government Service Insurance System (GSIS) hinggil sa kanilang pagbabayad ng benepisyo sa kanilang mga miyembro.

May problema ang kalidad ng kanilang komunikasyon hindi lang sa kanilang mga miyembro kundi pati sa mga namumuno sa bawat dibisyon.

Napag-alaman ng BITAG na nakakaabot kay GSIS President Winston Garcia ang bawat problema sa bawat dibisyon. Subalit wala raw itong nagagawa ayon na mismo sa nakausap naming Division Manager ng Employee’s Compensation, si Marcelino Alejo.

Tinamaan kami ng matinding awa sa reklamo ng isang ginang ng pulis mula sa Lamitan, Basilan, si Mrs. Leonila Langomez. "Nahilo" sa sistema ng GSIS kung kaya’t himingi na ng saklolo sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO.

Ilang buwan nagpabalik-balik si Mrs. Langomez sa GSIS. Ang nakakahabag dito ay ilang buwan na ring nakaratay ang kanyang mister na pulis sa Basilan na may cancer at kumplikasyon sa kidney.

Sa halip na kaawaan, tulungan at solusyunan ang problema, itinuturo ng GSIS ang pagkukulang sa Philippine National Police dahil hindi raw ito nag-reremit ng mga contributions.

Nung pinanghimasukan na namin ang reklamo saka pa lang nalinawan ang pobreng ginang na marunong din naman umintindi.

Simpleng problema, ang kailangan lang ay malinaw na paliwanag, hindi yung pinaiikot-ikot yung pobre at kung sinu-sino ang pinagtuturo. Ganito ang sistema ng komunikasyon sa GSIS.
* * *
Mensahe namin sa pamunuan ng GSIS, hindi computerization ang sagot sa problema sa mabagal na processing ng mga benepisyo ng inyong mga miyembro.

Ang problema ay ang inyong sistema. Nasa pamamalakad ng mga namumuno. May problema ang komunikasyon ng mga namumuno sa GSIS.

Hangga’t hindi n’yo ito nakikita, mananatili ang problema at iikut-ikot lang ito sa inyong institusyon.

Tandaan, "The quality of your communication is the quality of your organization", ito ay ayon sa Success Expert on Personal and Organizational Development, na si Anthony Robbins.
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0918-9346417 at sa telepono 932-5310 / 932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang "BITAG" sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.

vuukle comment

ANTHONY ROBBINS

BASILAN

DIVISION MANAGER

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

GSIS

MARCELINO ALEJO

MRS. LANGOMEZ

PROBLEMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with