Palakasin ang immune system

PARANG isang bangungot ang nadama ng sangkatauhan sa pananalasa ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) na pumatay ng maraming buhay. Ang SARS ay nadiskubre ni Dr. Carlo Urbani, expert on communicable diseases ng World Health Organization. SARS din ang naging kamatayan ni Urbani. Naiulat na sa nakaraang 20 taon ay 30 bagong sakit ang natuklasan. Ang influenza na naging salot makaraan ang First World War ay mas marami pang pinatay kaysa bala ng baril at tinatayang kalahating milyon ng populasyon ng mundo ang namamatay sa sakit na ito taun-taon. Dumarami rin ang bilang ng mga may AIDS o HIV at maging ang bilang ng namatay sa tubercolusis ay tumataas pa rin. Ayon sa World Health Organization (WHO) 30 milyong tao pa sa mundo ang mamamatay sa TB sa susunod na 10 taon.

Sa likod ng mga pangyayaring ito tanging prevention is the best cure at maisasagawa ito sa pamamagitan ng malakas na immune system ng katawan. Ang BANTAY KAPWA ay dumalo sa pormal na paglulunsad kamakailan ng sangay sa Pilipinas ng New Image International na namamahagi ng LIFELINE TM na isang nutritional supplement na malaking epekto para ma-improve ang immune system. Ito’y nagsasangkap ng colostrum na may dagdag na bitamina, mineral at probiotics. Ang colostrum na may natural antibodies na mabisang panlaban sa mikrobyo na madalas na pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng ilong at bibig.

Ayon kay Grasme Clegg, chairman ng New Image International, ang colostrum ay laban sa maraming sakit gaya ng pneumonia, food poisoning, strep throat, stomach ulcers, meningitis, yeast infections, acne, arthritis, atbp. Sa New Image Lifeline TM magiging masigla, malakas at masaya ang pamilya. Marami ka ngang pera kung mahina naman at parati kang nagkakasakit at may pagkakataong dapuan ng karamdamang walang lunas aanhin mo ang iyong kayamanan na hindi mo mababaon sa hukay. Tama ang kasabihan na health is wealth.

Show comments