EDITORYAL Mandatory drug test: Ugat muna bago bunga
June 4, 2003 | 12:00am
MGA user muna ang uunahin bago ang mga drug traffickers!!??
Ganyan ang magiging takbo ng senaryo ngayon base sa rekomendasyon ni Department of Interior and Local Government Secretary Jose Lina Jr. Pati mga estudyante ay kasama. Lahat ng high school at college students sa buong bansa ay dadaan sa random drug tests batay sa sinasaad ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act. Dadaan din sa drug test ang mga sundalo, pulis, empleado sa publiko at pribadong kompanya.
Maganda ang nilalayon ng batas, maging drug-free ang bansang ito. Malinis ang mamamayan sa paggamit ng bawal na gamot. Sabi ni Lina, "sa pamamagitan ng pag drug-test sa bawat mamamayan mapapabilis ang pagiging drug-free ng bansa." Irerekomenda umano ni Lina na ang bahagi sa P1 bilyong pondong inilaan ni President Gloria Macapagal-Arroyo para sa anti-drug campaign ay gamitin sa drug testing ng mga estudyante.
Maganda nga ang nilalayon ng batas. Isang magandang hakbang para maging drug-free ang bansang ito. Subalit sa maraming sinabi ni Lina, wala naman siyang nabanggit kung paano paiigtingin ng mga awtoridad ang kampanya para durugin ang mga drug traffickers. Ang nakikita ni Lina ay pawang bunga at ang ugat ay hindi napapansin. Kung may dapat marahil pagtuunan ng masidhing kampanya, ito ay ang pagwasak sa sindikato ng droga na ngayon ay nakaamba sa maraming panig ng bansa.
Masakit malaman ang katotohanan, na mayroong mga barangay sa maraming panig ng bansa na hindi pa naaabot ng kuryente, walang kalsada, walang telepono subalit nakakalat na roon ang shabu at maraming kabataan na ang nagiging halimaw. Marami ang nabibiktima, ninanakawan, ginagahasa at pinapatay. Hindi kataka-taka sapagkat ang mismong lider ng barangay, konsehal, mayor at gobernador ay hawak ng sindikato. Isang taon na ang nakararaan, isang mayor sa Panukulan, Quezon si Ronnie Mitra ang nahulihan ng bulto-bulto ng shabu na nakakarga sa ambulansiya.
Dito sa Metro Manila, laganap ang shabu laboratories, mayroon sa Parañaque, Queon City, San Juan, Valenzuela at marami pang lungsod at bayan. Niri-raid ng pulisya subalit kataka-takang walang mahuling malaking isda. Hanggang ngayon, malambot ang batas sa pagbibigay ng parusa sa mga drug traffickers. Siguro, mas magiging drug-free ang bansa kung uunahin munang durugin ang nagkakalat kaysa sa mga lumalaklak.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended