^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Hoy gising!

-
SINABI ni Japanese Ambassador Kojiro Takano noong nakaraang linggo na hindi siya makatulog dahil sa pangamba at mga banta sa seguridad sa bansang ito. Ang sinabing ito ni Takano ay mabisang paraan para magising ang pamahalaan. Magsagawa ng reporma at mga matitinding pamamaraan kung paano mawawala ang pagiging insomniac ng mga dayuhan at mismong mamamayang Pinoy na natitigatig dahil sa walang seguridad sa kanilang buhay. Maraming panganib.

Apat na araw matapos mabulabog ni Takano ang mga "balat sibuyas" na mambabatas at maging si President Gloria Macapagal-Arroyo, ang American Chamber of Commerce (AmCham) naman ang humagupit sa pamahalaan dahil sa mabagal na pagkilos hinggil sa lumulubhang corruption, pagsasagawa ng mga infrastructure projects, pag-iimplement ng batas at seguridad. Nakabagabag din sa mga Amerikanong negosyante ang paglobo ng populasyon, malaking budget deficit, kawalan ng consistency at transparency sa mga investment policies at ang pagkawala ng kahusayan sa pagsasalita ng English ng mga Pinoy.

Naging prangka ang mga negosyanteng Amerikano at kakatwang hindi makapiyok ang mga "balat sibuyas" na mambabatas. Wala ni isa man ang nakapiyok na hindi ito dapat sinabi ng mga negosyanteng Kano. Taliwas na nang magsalita si Ambassador Takano ay nag-uunahan ang mga mambabatas na dapat ay ideklarang "persona non-grata" ang Hapones. Hindi aniya dapat sinabi na hindi makatulog sa Pilipinas dahil mapanganib. Sinabi ni Takano ni minsan sa kanyang may isang taong pagtigil sa Pilipinas na hindi siya nakatulog ng mahimbing. Laganap ang kidnapping at ginawa niyang halimbawa ang pag-abduct sa mga kababayan niyang Hapones sa maraming lugar sa bansa noong nakaraang buwan.

Masakit tanggapin ang katotohanan pero ito ang totoo. Hindi lamang ang mga dayuhan ang hindi makatulog nang mahimbing dahil sa panganib. Hindi lamang mga Japanese ang nakikidnap kundi pati mga Amerikano at Chinoy man. Walang katapusan ang holdapan na nagaganap sa kaliwanagan ng sikat ng araw. Habang laganap ang krimen, patuloy namang naghihirap ang buhay at palubog nang palubog sa dami ng utang. Ang mga pangakong reporma ay hindi pa naisasagawa. Patuloy ang corruption sa mga ahensiya ng gobyerno.

Totoo ang mga sinabi ni Takano at ng mga Amerikanong negosyante. Masakit tanggapin pero ito ang totoo. Gumising kayo!

AMBASSADOR TAKANO

AMERICAN CHAMBER OF COMMERCE

AMERIKANO

AMERIKANONG

HAPONES

JAPANESE AMBASSADOR KOJIRO TAKANO

TAKANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with