Drugs, drugs everywhere!
June 2, 2003 | 12:00am
ANO ba itong eskandalong ito? PBA players gumagamit ng shabu at Marijuana. Pati ilang pulis umanoy adik-adik na rin! Terible.
Napabalita pa kamakailan na may mga opisyal ng gobyerno, kasama na ang ilang miyembro ng gabinete ang umanoy lulong din sa paggamit ng droga.
Ganyan na ba katalamak ang problema sa bawal na gamot? Ang isyung itoy parang si "Islaw palitaw" na lulubog lilitaw. Hindi na bago. Mag-iinit ang balita ngayon, manlalamig bukas.
Noon pa man ay ni-require na ang mga alagad ng batas na magpa-mandatory drug test dahil hinihinala nga na ang ilan sa kanilay gumagamit ng bawal na droga. But we are going around a vicious cycle, it seems. May order na naman si DILG Secretary Joey Lina para ipa-drug test ang mga police. Good. Pero gawin na sanang pirmihan iyan at hindi parang alimuom na ipatutupad ngayon, mawawala bukas.
Noon pa man ay may mga bali-balitang may mga sikat na basketbolista na nagdodroga. Pati mga celebrities ay damay din sa usaping iyan. Pero ni minsan yatay walang seryosong hakbang na ginawa para maresolba ang problema.
Ah, meron nga palang magandang aksyon na ginawa. Ang lahat ng kukuha ng drivers license ay obligadong magpa-urine test para tiyaking hindi sila adik. Pero balita koy nagiging negosyo na rin ito. If the price is right, kahit sugapa ka ay makakakuha ka rin ng lisensya. So nababale-wala rin ang batas.
Panahon na para seryosohin ang problemang ito. Magpatibay ng batas na mag-oobliga sa mga kakandidato for public office na magpa-drug test. Pati yung mga nag-aaply ng trabaho ay dapat ding magpa-drug test. Pati estudyanteng mag-eenrol ay ipa-drug test din. Magpatibay din ng batas na magpapataw ng mabigat na parusa sa sino mang mandaraya para makalusot sa drug test.
Ngunit maraming sumasalungat sa mga panukalang ito. Kung minsany mga mambabatas pa ang tumututol sa mga panukalang bill na ganito. Paglabag daw sa karapatang pantao? Bull- - - -! Baka ang mga tumututol ay mga drug traders at users din.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest