Kaya pala ang lakas ng loob mo Waway Lowlow!
Dahil sa padrino ni Waway Lowlow, walang nangyari sa kaso tungkol sa illegal drugs activities nito.
Nagmistulang mga bulag, pipit bingi ang mga pulitikong pulpol sa Cebu, ng kainitan ng imbestigasyon sa kaso ni Waway Lowlow.
Marami kasi sa kanila ang nakinabang sa pinakawalang pitsa ni Waway Lowlow.
Binigyan ng isang road trek van at mga mamahaling mga cellphones ni Waway Lowlow ang backer niyang pulitikong bugok para ipagtanggol siya at hindi pabayaan sa mga kritikong bumabanat sa gagong ito.
May malaking ambisyon kasi ang pulitikong bugok kaya ayaw niyang pabayaan ang kanyang close friend na drug lord.
Vice President ang gusto niyang takbuhan sa 2004 at ang pera ni Waway Lowlow ang target niya para sa kanyang kandidatura lalot pagdating sa baluarte (Cebu) ng drug lord.
Na-promote pa ito sa Bureau of Customs kahit hindi kuwalipikado sa kanyang posisyon dahil sa tulong ng pulitikong bugok. Paging, BOC Commissioner Tony Bernardo, Your Honor!
Lahat ng sangga ay ginawa ng pulitikong bugok kay Waway Lowlow basta mailigtas lang ang huli sa usaping illegal drugs sa Cebu City.
Maging ang ilang pulpol na pulitiko sa Cebu ay natapalan ng malaking pera ni Waway Lowlow, para hindi siya maimbestigahan sa derogaratory report ng PNP Special Task Group.
Palabas at kengkoy ang ginawang imbestigasyon dahil wala namang nangyari sa report ng PNP Task Group tungkol sa illegal drugs activities ng gago.
Sangkatutak ang na-ipundar nitong ari-arian sa Cebu City, maluluma ang hari ng Brunei sa tindi ng kinita nitong pitsa.
Matindi pala si Waway Lowlow sabi ng kuwagong sepulturero.
"Kaya niya kasing tapalan ng para ang mga kamoteng taga-gobyerno na sasaling sa kanyang kagaguhan inis na sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Dapat paimbestigahan ito para malaman ang katotohanan.
Paano iimbestigahan kung malalakas ang mga padrino?
Huwag natin tantanan para makamote ang operation.
Panay na nga ang operation kaya lalong parami nang parami ang pera nito.
Tiyak pagsabit niya ubos ang kayamanan niyan?