DOTC Sec. Leandro Mendoza ba't nabigyan ng radio frequency si Boy Abang?
May 28, 2003 | 12:00am
TAHIMIK na tumataya sa bookies ng karera ang mga barkada natin sa Sampaloc noong nakaraang Miyerkules nang biglang bumulaga si alyas Plasco sa radio transceiver na magsara muna ang mga butas ni Oscar Simbulan alyas Boy Abang sa sakop ng Station 4 ng Western Police District (WPD) dakong alas otso ng gabi. Sinabi ni Plasco na may mga pulis sa pamumuno ng isang SPO1 Nelson Espiritu na umiikot sakay sa isang dyipni at nanghuhuli. Humihingi umano si Espiritu sa kanilang amo ng TV at aircon para sa opisina ng kanyang amo, ang kaibigan kong si Supt. Manolo Martinez, ang bagong hepe ng Station 4 ng WPD, ani Plasco. Halos 30 butas nina Boy Abang at ang kanyang kasosyong si Lorna, na kanyang sekretarya, ay tumalima sa kautusan ni Plasco.
Pagkaraan ng halos 30 minutong pagkabagot, nag-shout na muli si Plasco sa radio. Ayon sa kanya, ayos na dahil nagkasundo na sina Boy Abang at Espiritu. Hindi ko lang alam kung ilang aircon at TV ang ibinigay ni Boy Abang sa amo ni Espiritu, pero siyempre nagbukas na muli ang mga bookies ng una kayat tuloy na naman ang ligaya ng mga barkada natin. Sa pagdalaw ko sa kaibigan kong si Martinez, tiyak sobrang malamig ang kanyang opisina at pakuyakoy na nanonood ng NBA finals, hindi ba mga suki? He-he-he! Ano na kaya ang nangyari sa kaso ni Sir, yong nanampal siya ng pulis?
Teka nga pala mga suki, si Plasco ang radio dispatcher ni Boy Abang at Lorna. Siya ang nagbibigay ng blow-by-blow account ng karera. Ang frequency ng radio ni Boy Abang at Lorna ay 822 at makikita ang kagamitan niya sa Barcelona St., sa Moriones, Tondo. Bakit kaya pinayagan ni Transportation Secretary Leandro Mendoza na mabigyan ng permit ang radio frequency ni Boy Abang at Lorna eh maliwanag na economic sabotage ang ginagawa niya, di ba mga suki? Malaking kawalan sa kaban ng gobyerno ang ginagawa ni Boy Abang at Lorna na dapat habulin kaagad ni Chief Supt. Pedro Bulaong, ang hepe ng Manila police. Pero kung ke Buboy Go nga eh walang binesa si Bulaong, ke Boy Abang at Lorna pa kaya? He-he-he! Kapwa magaling magbigay ng lingguhang intelihensiya sina Buboy Go at Boy Abang, di ba mga suki?
Malakas maghatak ng parukyano sina Boy Abang at Lorna dahil halos lahat ng laro ng legal na karera ay mayroon sila. Ang palaro niya sa double, forecast, Pick 6, winner take-all at quartet. Aba walang ligtas ang pera ng mga manunugal sa kanya ah, di ba mga suki? Ang gitna nina Boy Abang at Lorna ay P20,000 sa double at P10,000 naman sa forecast samantalang tig-sampung tiket ang nilalaba-nan niya sa Pick 6, winner take-all at quartet. Eh kung talagang mananaya ka sa bookies dito ka na kina Boy Abang at Lorna dahil marami kang pagpipilian na tayaan, di ba mga suki?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended