Doktor, pinahiya sa airport
May 27, 2003 | 12:00am
KASO ito ni Dr. Luna sa isang biyahe niya patungong Amerika noong 1991. Naglabas noon ang Northwest Airlines ng isang direktiba na nag-uutos ng isang matinding inspeksyon ng mga black, brown or burgundy na Samsonite bag patungong Asia, Africa o Europe. Nagmula ang direktibang ito sa bantang terorismo na natanggap ng Aviation Agency tungkol sa isang brown na Samsonite bag na naglalaman ng isang bomba.
Si Dr. Luna ay patungong San Francisco bilang first class passenger. Matapos makapasa ang kanyang Samsonite bag sa inspeksyon, nilapitan siya ng isang empleyado ng airline. Inutusan siyang pumila sa isa pang inspeksyon ng mga pasahero na may dalang Samsonite bag. Nang ibigay niya ang kanyang Samsonite bag, bigla itong binuksan at walang pitagang inilabas ang kanyang mga gamit. Pagkatapos ay inutusan siyang ilagay ang kanyang Samsonite bag sa isang supot na itim samantalang ang iba niyang gamit ay sa dalawang sobre na papel. Nakiusap siyang ilagay ang ibang gamit niya sa Samsonite bag dahil hindi kasya ang mga ito sa papel na sobre, subalit bastos siyang sinagot ng isang empleyado ng airline na "hindi!" Hindi pa natapos ang kanyang sinapit na kahihiyan nang habang naglalakad siya papuntang VIP room, isa-isang bumagsak ang mga gamit niya. Muli siyang nakiusap na makita ang manager ng airline subalit ang humarap sa kanya ay ang assistant manager. Malakas at aroganteng sinabihan siya nito ng "Kahit na ikaw pa ang Presidente ng Pilipinas o ng Amerika, kailangan kang sumailalim sa direktiba!" Napahiya muli si Dr. Luna dahil ang mga pasaherong nakasaksi ay umiling na lamang at natawa sa kanya.
At kahit na nakatanggap si Dr. Luna ng isang sulat ng paumanhin na may kalakip na $100 na travel voucher mula sa airline, sinampahan pa rin niya ito ng kaso upang magbayad ng moral at exemplary damages at attorneys fees. Depensa naman ng airline, isinagawa lamang nila ang direktiba para sa kapakanan ng mga pasahero at wala silang pananagutan sa naging asal ng kanilang mga empleyado. Tama ba ang airline?
MALI. Kahit na ang seguridad ng mga pasahero ang pangunahing layunin ng isang airline, at pumapangalawa lamang ang kaginhawahan sa paglalakbay, kinakailangan pa rin nilang igalang ang karapatan ng kanilang pasahero.
Anumang direktiba para sa seguridad ay kinakailangang umayon sa karapatan ng mga pasahero na makatanggap ng maayos, may respeto at may konsiderasyon na pakikitungo mula sa airline.
Ang masamang inasal ng mga empleyado ay nagdulot kay Dr. Luna ng hapis at matinding pagkabahala. Kaya, kailangan siyang bayaran ng P100,000 bilang moral damages.
At para sa pagtutuwid sa maling pamamaraan at pakikitungo ng airline sa mga pasahero, may karapatan si Dr. Luna sa exemplary damages na P50,000 at P25,000 na attorneys fees (Northwest Airlines vs. Laya G. R. 145956, May 29, 2002).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended