Acquired Immune Defiency Syndrome (AIDS)
May 25, 2003 | 12:00am
KATULAD nang nananalasang Severe Acute Deficiency Syndrome (SARS), hanggang ngayon ay wala pang natutuklasang bakuna na panlaban sa Aquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS). Lubhang kakaiba ang AIDS kaysa sa SARS. Ang AIDS ay nalilikha sa tinatawag na Human Immune Deficiency Virus (HIV). Kung ang SARS na umanoy tumatagal nang mas maikling panahon ang buhay ng biktima, sa AIDS ay nagagawang mapahaba pa ang buhay kung magiging maingat lamang ang may HIV sa uri ng kanyang kinakain. Mas nagiging magaang pasanin ang buhay ng may HIV kung extra careful ang gagawin.
Ang immune system ng katawan ang inaatake ng AIDS. Kapag humina ang immune system, maraming sakit na ang dadapo kagaya ng pneumonia, malnutrition at cancer.
Ang mga sintomas ng AIDS ay ang hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, pagkakaroon ng mga kulane sa singit, leeg, at kilikili. Makakakita rin ng mga cold sores at iba pang sakit sa balat.
Ang mga AIDS ay madaling makakuha ng bacterial infections sa pagkain at isa rito ay ang tinatawag na lesteriosis na nakukuha sa keso. Ang mga laman-dagat na tulad ng shellfish ay isa rin sa potential na pinagmumulan ng infection. (Itutuloy)
Kung kayo ay may mga katanungan kay Dr. Elicaño, sumulat lamang sa Pilipino Star NGAYON, Roberto Oca cor. Railroad St. Port Area, Manila.
Ang immune system ng katawan ang inaatake ng AIDS. Kapag humina ang immune system, maraming sakit na ang dadapo kagaya ng pneumonia, malnutrition at cancer.
Ang mga sintomas ng AIDS ay ang hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, pagkakaroon ng mga kulane sa singit, leeg, at kilikili. Makakakita rin ng mga cold sores at iba pang sakit sa balat.
Ang mga AIDS ay madaling makakuha ng bacterial infections sa pagkain at isa rito ay ang tinatawag na lesteriosis na nakukuha sa keso. Ang mga laman-dagat na tulad ng shellfish ay isa rin sa potential na pinagmumulan ng infection. (Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest