Binurdang damit natuluan ng motor oil

Ako ay mambuburda mula sa Ilocos. Tuwing ikalawang linggo ay lumuluwas ako ng Maynila para ihatid ang aking mga paninda.

Isang araw, sumakay ako ng bus papuntang Divisoria. Ipinasok ng kunduktor ang walong kahon na paninda sa compartment. Kampante naman ako dahil mahigit limang taon na itong ginagawa.

Pagdating sa terminal at ilabas ang mga kahon, napansin ko na ito’y amoy langis. Natapon pala ang lata ng spare motor oil ng bus sa sahig ng compartment at umagos sa mga kahon. Nasira ang pinagpaguran kong paninda na nagkakahalaga ng P10,000. Balak kong magsampa ng kaso.

Tama ba ang aking binabalak? –Trining Biluso


Tama po ang balak ninyong gawin. Ang tanging dahilan kung bakit nasira ang inyong paninda ay dahil sa hindi pagtatabi ng maayos ng kunduktor ng extra motor oil sa loob ng bus compartment. Ang negligence ng mga empleyado ng bus company ang siyang proximate cause kung bakit nabasa ng motor oil ang paninda na ikinasira nito.

Ikalawa, ang common carriers tulad ng sinakyan n’yong bus ay responsable sa pagkawala, pagkasira or pagsama ng kondisyon ng mga bagay habang ito ay nasa kanilang pangangalaga.

Ang exception dito ay kung ang pagkawala, pagkasira o pag-sama ng kondisyon ng bagay ay dahil sa mga sumusunod, batay sa Article 1734 of the New Civil Code: (1) Flood, storm, earthquake, lightning or other natural disaster or calamity; (2) Act of the public enemy in war, whether international or civil; (3) Act of omission of the shipper or owner of the goods; (4) The character of the goods or defects in the packing or in the containers; and (5) Order or act of competent public authority.

Base po sa inyong liham, ang dahilan kung bakit nasira ang inyong paninda ay wala sa mga nabanggit na exceptions kaya may pananagutan ang common carrier sa inyo.

Show comments