^

PSN Opinyon

Ibubuhos ang US investments sa Pinas

- Al G. Pedroche -
UMMMABANGOOO si Presidente Arroyo sa Amerika nowadays. Mainit ang pagtanggap sa kanya ni US President George W. Bush na may kasama pang papuri sa diskarte ni PGMA laban sa mga terorista.

Bukod diyan, umani si Ate Glo ng suporta mula sa mga American investors lalo na sa larangan ng information and communication Technology. Iyan ang ipinabatid sa Pangulo at kay Trade and Industry Secretary Mar Roxas ng mga ehekutibo ng dalawang pangunahing call centers – ang Convergs at Western Wats.

Magtatayo sila ng mga shops at palalawakin ang operasyon sa Pilipinas, bagay na ikinatuwa ni Roxas dahil siyempre, ito’y feather to his cap bilang Kalihim ng Industriya. Impress daw ang mga kano sa mga computer o IT experts na Pinoy. Impress pa rin sila sa katatasan natin sa wikang Ingles.

More than that,
malaking bentahe ang pagpapakitang-gilas ni PGMA lalo na sa pakikiisa sa Amerika sa digmaan laban sa terorismo. Diyan nga siya puring-puri ni President Bush. Inuudyukan pang tumakbo sa 2004 para hindi maputol ang momentum ng war against terror.

Pero nagtaray daw ang beauty ni PGMA nang usisain ng media kaugnay nito. Hindi na raw mababago ang desisyon niyang huwag tumakbo. Kung totoo ito, payo ko sa mga presidential aspirants sumipsip na kayo kay PGMA ngayon pa lang. Ang bendisyon niya sa inyong kandidatura ay katumbas ng bendisyon ni Uncle Sam, di ba? Kung totoong di na siya tatakbo pa. Ang deperensiya, wala yatang ibig maniwala sa Pangulo na hindi na siya tatakbo. Naasar daw ang Pangulo dahil bawat kibot niya’y binibigyan ng kulay politika.

Balik tayo sa sandamakmak na US investment. Ipinabatid ni Convergs President John Frekker sa RP delegation ang desisyon ng kanyang kompanya na magtayo ng call centers sa Pinas which will be put up at the Enterprise Center sa Makati at sa Robinson’s Equitable Bank Tower sa Pasig. Bukod diyan, ang Western Wats ay magtatayo rin ng call center sa Cebu City. Ibig sabihin niyan, dagdag na job opportunities sa mga kababayan natin.

AMERIKA

ATE GLO

BUKOD

CEBU CITY

CONVERGS PRESIDENT JOHN FREKKER

ENTERPRISE CENTER

EQUITABLE BANK TOWER

PANGULO

WESTERN WATS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with