^

PSN Opinyon

Travel Special: Cebu

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG Cebu ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas. Kilala ang Cebu sa kanyang taunang Sinulog Festival bilang pagdakila sa Señor Santo Niño na inihandog ni Ferdinand Magellan kay Reyna Juana na asawa ni Raja Humabon noong Abril 14,1521. Sa Cebu itinirik ni Magellan ang Krus na simbolo ng Kristiyanismo sa bansa.

Bilang pinakamatandang colonial City, maraming landmarks sa Cebu gaya ng Fort San Pedro na nasa wharf area ng siyudad. Marami ang namimili sa Colon, ang Chinatown ng Cebu. Masayang pasyalan ang Fuente Osmeña, ang park na ipinangalan sa Cebu’s Grand Old Man, ang yumaong Presidente Sergio Osmeña Sr. Itinayo noong 1595 ang University of San Carlos ng mga Dominican Fathers at sa museo nito matatagpuan ang extensive collection of antropological and biological artifacts.

Sa Southwestern University Museum naman ay ang koleksyon ng pre-colonial and colonial artifacts. Ang Casa Gorordo na nasa Lopez Jaena Street ay siyang ancestral home ng Kauna-unahang Obispo ng Cebu.

Ang Jumalon Museum, Butterfly Sanctuary and Art Gallery ay siyang pribadong museum ng yumaong lepidopterist na si Professor Julian Jumalon na ang hardin ay punumpuno ng libu-libong paru-paro. Isa pang paboritong Catholic pilgrimage spot ay ang Celestial Garden na makikita ang life-size replica ng 14 Stations of The Cross. Maraming pasyalan, paliguan at recreation places sa Cebu na kinagigiliwan ng mga dayuhang turista.

ANG CASA GORORDO

ANG JUMALON MUSEUM

BUTTERFLY SANCTUARY AND ART GALLERY

CEBU

CELESTIAL GARDEN

DOMINICAN FATHERS

FERDINAND MAGELLAN

FORT SAN PEDRO

FUENTE OSME

GRAND OLD MAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with