Tanong ng benepisaryo ng CMP

Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay benepisaryo ng Community Mortage Program (CMP) mula pa noong 1998. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ako nakapagbayad ng isang taon sa aking buwanang hulog sa asosasyon. Sinabi sa akin ng aming asosasyon na kung hindi ko maa-update ang aking buwanang hulog ay maaari nila akong palitan bilang benepisaryo. May karapatan ba sila na tanggalin ako bilang benepisaryo? – LISA ng Taguig


Sa ilalim ng alituntunin ng Community Mortage Program, ang isang kasapi ng asosasyon o benepisaryo ng CMP na hindi nakapagbayad ng katumbas ng tatlong buwang amortisasyon ay maaring mapalitan ng ibang benepisaryo na qualified din sa pangutang sa CMP. Kinakailangan lamang isumite ng asosasyon sa National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) ang mga ebidensiya nito, kagaya ng pagsingil sa nasabing benepisaryo at Board Resolution ng asosasyon tungkol sa pagpapalit ng benepisaryo.

Show comments