^

PSN Opinyon

Sayang ang abilidad ni Sr. Supt. Cipriano Querol

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MATAPOS ang mahabang panahon na pagtatago, nahulog rin sa kamay ng batas itong si Romeo Nadura, alyas Rommel, 33, na dating security guard at tubong Aklan. Nagtago kasi itong si Nadura matapos masangkot sa kasong robbery with homicide at sa tingin niya ay ligtas na siya sa mga awtoridad natin. Pero dahil sa kasipagan nitong si Senior Superintendent Cipriano Querol Jr., ang hepe ng Detection and Special Operations Division (DSOD) ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, nawalang parang bula ang pangarap ni Nadura na permanente na niyang maiwasan ang batas, he-he-he! Napatunayan na naman na hindi magbubunga ng maganda ang kasamaan, di ba mga suki?

Si Nadura ay nabulaga ng mga tauhan ni Querol sa tinataguan niyang bahay sa 421 Agham Road, San Roque 2 Pag-asa, Quezon City noong Mayo 21. Kusa naman siyang sumuko matapos ipakita sa kanya ni Inspector Erwin Margarejo ang kanyang warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Theresa dela Torre-Yadao noong Enero 2002. Natapos na rin ang paghihirap ng pamilya ng biktima, di ba mga suki?

May puna lang tayo mga suki kung bakit itong si Querol ay nandoon sa puwestong tawagin natin ay kangkungan. Sayang ang kanyang abilidad at kagalingan kung hindi man lamang bigyan pansin ng pulisya natin sa pamumuno ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. Dapat maipuwesto itong si Querol para magpakita ng kanyang lubos na kakayahan para magsilbing ehemplo nga sa iba pang opisyales ng pulisya natin at presto yumabong pa ang kagaya niya sa PNP natin? Sino pa ba ang makinabang kung si Querol ay mapaupo sa magandang puwesto tulad ng probinsiya ng Quezon eh di ang sambayanan, di ba mga suki? He-he-he! Minsan lang kasi tayo pumuri sa ating mga pulis kaya’t baka masobrahan tayo.

Pero sa totoo lang, maganda naman ang records at accomplishments nitong si Querol. Unang nasilayan ko itong si Querol noong public information officer (PIO) pa lang siya ng Western Police District (WPD) noong kapanahunan ni Ebdane nga. Matapos maging hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) itong si Ebdane, si Querol naman ay naging station commander ng Fairview at Cubao sa Quezon City. Naging hepe rin siya ng District Police Intelligence Unit (DPIU) ng CPD sa ilalim ng liderato ni Chief Supt. Mon Sales na hepe sa ngayon ng Police Regional Office 2 (PRO2), hepe ng intelligence ng NCRPO at hepe ng pulisya ng Marikina City. Kitam, ang daming pinanggalingan na nitong si Querol. Pero nag kainaman niyan marami siyang accomplishments na ipinakita at mas malaki pa sa kaso ni Nadura. Huwag na nating isa-isahin pa ang mga ipinakita ni Querol at baka abutin tayo ng isang linggo. He-he-he! Sobra ang dami kasi, di ba mga suki?

vuukle comment

AGHAM ROAD

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DETECTION AND SPECIAL OPERATIONS DIVISION

NADURA

PERO

QUEROL

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with