Chairman Bayani Fernando, 'Listening is the first step to understanding'
May 21, 2003 | 12:00am
ISA ako sa mga matinding kritiko na bumabatikos kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando. Subalit, isa rin ako sa mga humahanga kung "patibayan ng dibdib" at "pakapalan ng apog" ang pag-uusapan.
Maituturing na matigas ang ulo ni Chairman Fernando dahil determinado. Hindi siya ganon kadaling tumupi sa mga bumabatikos sa kanya. Pero, para sa ibang kasamahan kong kolumnista at komentarista nababansagan siyang "gago" sa kanyang pagiging "unconventional".
Ang katangiang ito ay matatawag na "political will" na dapat pamarisan ng ilan sa mga opisyal natin sa pamahalaan. May ilan ang mga nakapagsabing "out of this world" ang kanyang mga diskarte bilang chairman ng MMDA.
Pero, kung susuriin natin ang karamihan sa kanyang mga hakbang at kinahinatnan ng kanyang mga aksyon, masasabing epektibo. Nakikita ang pagbabago sa mga lansangan.
Isa sa mga nakita ng Imbestigasyon ng Bahala si Tulfo kay Chairman Fernando, hindi siya marunong makinig. Nakita ko ito nang makapanayam siya ng aming grupo, ang BITAG Investigative Team sa TV nitong nakaraang Biyernes.
Sa halip na makinig sa tunay na pakay ng Bitag Investigative Team dahil sa pang- aabuso ng mga towing companies sa local government unit (LGU), abalang-abala si Chairman Fernando idepensa ang mga tauhan nya sa lansangan.
Hindi alam ni Chairman na hindi mga tauhan ng MMDA towing ang aming tinutukoy kundi mga LGU at saka pa lang natauhan si Chairman.
Kaya nung mahimasmasan na si Chairman, pinatawag ang "right- hand man" si Vergel De Dios. At dito pa lamang kami nagkaintindihan sa mga "modus operandi" ng mga towing companies partikular sa Lungsod ni Mayor "Tsong" Marquez, ang RED CIRCLE Towing sa Parañaque.
May ugnayan na ngayon ang BITAG at ang tanggapan ni MMDA Chairman sa lahat ng aming mahuhuli sa akto lalo na ang RED CIRCLE sa baluarte ni Marquez.
Bilang na ang araw ninyo, kayo dyan sa Red Circle huwag kayong pahuhuli sa aming surveillance at undercover operation. Magtago na kayo sa salawal ng alkalde ninyong si Mayor Marquez na tila yata kinukunsinti ang inyong kagaguhan sa dami ng mga reklamong umabot na rin sa MMDA.
At sayo naman Chairman Bayani Fernando, sa susunod makinig muna kayo. Ito dapat ang sanayin ninyo para maunawaan nyo ang ibig sabihin ng " Listening is the first step to understanding".
Para sa mga tips, reklamot sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: (0918)9346417 at telepono 9325310/9328919.
Maituturing na matigas ang ulo ni Chairman Fernando dahil determinado. Hindi siya ganon kadaling tumupi sa mga bumabatikos sa kanya. Pero, para sa ibang kasamahan kong kolumnista at komentarista nababansagan siyang "gago" sa kanyang pagiging "unconventional".
Ang katangiang ito ay matatawag na "political will" na dapat pamarisan ng ilan sa mga opisyal natin sa pamahalaan. May ilan ang mga nakapagsabing "out of this world" ang kanyang mga diskarte bilang chairman ng MMDA.
Pero, kung susuriin natin ang karamihan sa kanyang mga hakbang at kinahinatnan ng kanyang mga aksyon, masasabing epektibo. Nakikita ang pagbabago sa mga lansangan.
Sa halip na makinig sa tunay na pakay ng Bitag Investigative Team dahil sa pang- aabuso ng mga towing companies sa local government unit (LGU), abalang-abala si Chairman Fernando idepensa ang mga tauhan nya sa lansangan.
Hindi alam ni Chairman na hindi mga tauhan ng MMDA towing ang aming tinutukoy kundi mga LGU at saka pa lang natauhan si Chairman.
Kaya nung mahimasmasan na si Chairman, pinatawag ang "right- hand man" si Vergel De Dios. At dito pa lamang kami nagkaintindihan sa mga "modus operandi" ng mga towing companies partikular sa Lungsod ni Mayor "Tsong" Marquez, ang RED CIRCLE Towing sa Parañaque.
May ugnayan na ngayon ang BITAG at ang tanggapan ni MMDA Chairman sa lahat ng aming mahuhuli sa akto lalo na ang RED CIRCLE sa baluarte ni Marquez.
Bilang na ang araw ninyo, kayo dyan sa Red Circle huwag kayong pahuhuli sa aming surveillance at undercover operation. Magtago na kayo sa salawal ng alkalde ninyong si Mayor Marquez na tila yata kinukunsinti ang inyong kagaguhan sa dami ng mga reklamong umabot na rin sa MMDA.
At sayo naman Chairman Bayani Fernando, sa susunod makinig muna kayo. Ito dapat ang sanayin ninyo para maunawaan nyo ang ibig sabihin ng " Listening is the first step to understanding".
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended