1000 benepisyaryo ang dapat mamatay buwan-buwan para may pambayad ang PVAO
May 19, 2003 | 12:00am
KAAWA-AWA ang kalagayan ng mga claimants at beneficiaries ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO).
Nasa pamahalaan na natin ang problema! Kulang na nga ang ibinibigay na pondo, binabawasan pa ang budget ng mga pobreng benepisyaryong umaasa dito.
Napakaraming problema sa PVAO. Pero may mga "natitirang may konsensya" sa pamunuan nito at ginagawa nila ang kanilang makakaya para matugunan ang pangangailangan ng mga beterano.
Ang napakadali raw ay ang mag-process ng mga claims. Pero nasa bayaran ang problema. Ito ang kadalasang inirereklamo ng mga beterano.
Hindi ko isinulat ang kolum na ito para maging tagapagsalita o PR ng nasabing tanggapan. Kapakanan lang ng mga "nangangapa sa dilim" at humihingi ng aming tulong ang mahalaga sa akin.
Kung solusyon ng problema ang pag-uusapan, PONDO ang tamang kasagutan. Natatagalan ang pagbayad dahil kahit approved na ang claim, kinakailangang maghintay pa ng pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Ang kasalukuyang pondo ay hindi sapat para sa mga old age pensioners. Kada-buwan mahigit sa 260,000 pensioners ang ginagawan ng tseke.
Hindi pa kasama dito ang iba na hindi kabilang sa mga old age pensioners. Kumbaga, nagpatung-patong na ang mga problema sa PVAO. Ang dahilan, uulitin ko, PONDO!
Sa mga newly approved claims naman, nakakadismayang malaman na ang pinanggagalingan ng pambayad sa mga ito ay kinukuha sa "return to sender" na mga tseke. Ito yung mga tsekeng ibinabalik sa PVAO marahil, mali ang address ng benepisyaryo. Kawawa naman ang mga pobre.
Yung iba naman masuwerteng nababayaran kapag may mga NAMAMATAY na benepisyaryo ng mga beterano (widow). Tanging ang asawa lamang ang benepisyaryo at non-transferable ito sa mga anak.
Masakit man sabihin, para bagang hinihintay lang ng ating gobyerno na dumami pa ang mga mamamatay na benepisyaryo? Para may maipambayad doon sa mga kasalukuyang naghihintay na newly approved claims?
Ito ang hubot hubad na katotohanan. Kinakailangan daw na may mamatay na mahigit kumulang 1000 benepisyaryo buwan-buwan. Itoy upang may maipambayad ang PVAO.
Sa taong 2002, marami ang mga na-approve na claims pero hindi pa rin sila nababayaran. Kulang pa yata ang bilang ng mga namamatay. Susmaryosep!
Mahal ko ang ating sariling wika. Pero ito ang tamang kasabihan, "I dont want to be the bearer of bad news. I am just the messenger, whether you like it or not."
Kilos na, pamahalaan ni Juan dela Cruz! Panahon nang pagtuunan ng pansin diyan sa DBM ang mga pobreng benepisyaryo ng PVAO na humihingi ng saklolo sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO.
Para sa mga tips, reklamot sumbong, tumawag o magtext sa mga numerong ito: (0918)9346417 at telepono 9325310/9328919. Magbasa ng diyaryong Pang-Masa(PM) tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang "BITAG" tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5.
E-mail us: [email protected]
Nasa pamahalaan na natin ang problema! Kulang na nga ang ibinibigay na pondo, binabawasan pa ang budget ng mga pobreng benepisyaryong umaasa dito.
Napakaraming problema sa PVAO. Pero may mga "natitirang may konsensya" sa pamunuan nito at ginagawa nila ang kanilang makakaya para matugunan ang pangangailangan ng mga beterano.
Ang napakadali raw ay ang mag-process ng mga claims. Pero nasa bayaran ang problema. Ito ang kadalasang inirereklamo ng mga beterano.
Hindi ko isinulat ang kolum na ito para maging tagapagsalita o PR ng nasabing tanggapan. Kapakanan lang ng mga "nangangapa sa dilim" at humihingi ng aming tulong ang mahalaga sa akin.
Kung solusyon ng problema ang pag-uusapan, PONDO ang tamang kasagutan. Natatagalan ang pagbayad dahil kahit approved na ang claim, kinakailangang maghintay pa ng pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Ang kasalukuyang pondo ay hindi sapat para sa mga old age pensioners. Kada-buwan mahigit sa 260,000 pensioners ang ginagawan ng tseke.
Hindi pa kasama dito ang iba na hindi kabilang sa mga old age pensioners. Kumbaga, nagpatung-patong na ang mga problema sa PVAO. Ang dahilan, uulitin ko, PONDO!
Sa mga newly approved claims naman, nakakadismayang malaman na ang pinanggagalingan ng pambayad sa mga ito ay kinukuha sa "return to sender" na mga tseke. Ito yung mga tsekeng ibinabalik sa PVAO marahil, mali ang address ng benepisyaryo. Kawawa naman ang mga pobre.
Yung iba naman masuwerteng nababayaran kapag may mga NAMAMATAY na benepisyaryo ng mga beterano (widow). Tanging ang asawa lamang ang benepisyaryo at non-transferable ito sa mga anak.
Masakit man sabihin, para bagang hinihintay lang ng ating gobyerno na dumami pa ang mga mamamatay na benepisyaryo? Para may maipambayad doon sa mga kasalukuyang naghihintay na newly approved claims?
Ito ang hubot hubad na katotohanan. Kinakailangan daw na may mamatay na mahigit kumulang 1000 benepisyaryo buwan-buwan. Itoy upang may maipambayad ang PVAO.
Sa taong 2002, marami ang mga na-approve na claims pero hindi pa rin sila nababayaran. Kulang pa yata ang bilang ng mga namamatay. Susmaryosep!
Mahal ko ang ating sariling wika. Pero ito ang tamang kasabihan, "I dont want to be the bearer of bad news. I am just the messenger, whether you like it or not."
Kilos na, pamahalaan ni Juan dela Cruz! Panahon nang pagtuunan ng pansin diyan sa DBM ang mga pobreng benepisyaryo ng PVAO na humihingi ng saklolo sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO.
E-mail us: [email protected]
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended