^

PSN Opinyon

Travel Special: Palawan

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Ang Palawan ang pinakamalaking lalawigan sa Pilipinas. Meron itong 1,768 islands and islets na hitik sa mga coral shelf, rich marin life and virgin forests.

Para itong paraiso sapagkat santuwaryo ng iba’t ibang halaman at hayop na napabantog sa buong mundo.

Sa mahihilig sa adventure, ang Palawan ang sagot sa mithi na tuklasin ang kalaliman ng dagat at mga kagubatan.

Puerto Princesa ang capital ng Palawan at binansagan ito na pinakamalinis na lungsod sa bansa.

Ang El Nido ang sinasabing pinakamagandang lugar sa Palawan. Makikita rin sa Palawan ang maraming kuweba gaya ng Cathedral Cave at Disco Cave na taglay ang natural beauty.

Itinuturing na most popular tourist attraction ay ang St. Paul National Park which covers 5,349 hectares of lush forest, dark mountains, caves and white beaches. Dito rin tumatagos ang under ground river na sinasabing the longest river in the world at sa park ding ito ang Monkey Trail, isang serye ng lagusang-kahoy na humahantong sa kagubatan na pinamumugaran ng mga unggoy, bayawak, ahas, mga ibon at iba pang endangered species. Ang St. Paul National Park ay nasa World Heritage List na rin.

Nasa Palawan din ang Tabon Caves, the oldest known habitation site in Southeast Asia. Merong 200 kuweba rito. Tinaguriang the country’s largest marine habitat ang Tubbataba Reefs National Marine Park na nasa World Heritage List na rin. Mga higanteng pawikan, pating at iba pang klaseng lamang-dagat ang makikita sa Palawan.

ANG EL NIDO

ANG PALAWAN

ANG ST. PAUL NATIONAL PARK

CATHEDRAL CAVE

DISCO CAVE

MONKEY TRAIL

NASA PALAWAN

PALAWAN

PUERTO PRINCESA

WORLD HERITAGE LIST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with