EDITORYAL Urong sulong sa taguring 'terorista'
May 17, 2003 | 12:00am
ANO ba ang terorista? Sila yung mga sumasalakay at walang awang pumapatay sa mga inosenteng sibilyan. Sumisira sa mga ari-arian. Malaki ang pagkakaiba ng rebelde kaysa sa mga terorista. Ang mga rebelde ay may ipinaglalabang simulain samantalang ang mga terorista ay wala. Ang isipan ng mga terorista ay nakatuon para pumatay at makapaminsala.
Matagal nang sumasalakay at pumapatay ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa maraming panig ng Mindanao. Kahit na ilang ulit nang akuin ng mga teroristang Abu Sayyaf ang pambobomba, ang MILF pa rin ang itinuturong nasa likod ng mga karumal-dumal na pagpatay. Pinaka-latest na pagpatay na isinagawa ng MILF ay nang bombahin ang isang palengke sa Koronadal, South Cotabato noong Sabado dakong alas tres ng hapon kung saan may 14 na tao ang napatay at may 23 ang grabeng nasugatan. Kabilang sa mga napatay ay mga inosenteng bata at mga mamamalengke ng oras na iyon. Araw ng palengke kaya maraming tao sa lugar na iyon. Sa lakas ng pagsabog, nagkagutay-gutay ang mga katawan ng biktima.
Sila ay mga terorista. Walang ipinaglalaban at ang tanging nasa isipan ay makapatay ng kapwa. Walang ipinagkaiba ang MILF sa mga teroristang sumalakay sa US noong Sept. 11, 2001 kung saan ibinangga ang mga eroplano sa Twin Tower at libo ang namatay.
Ngayon, hindi pa matapus-tapos ang isyu kung tatawagin nga bang terorista ang MILF. Noon pa dapat tinawag na terorista sa dami ng kanilang ginawang kasalanan sa taumbayan. Gaano na ba karaming buhay ang kanilang pininsala? Mula pa noong Pebrero ng taong ito, sunud-sunod na ang pananalakay ng MILF. Sumalakay sila sa Siocon, Zamboanga del Norte at sinunog ang mga bahay, munisipyo at walang habas na nagpaputok ng baril na ikinamatay ng mga sibilyan. Sila rin ang itinuturong may kagagawan sa pambobomba sa Davao International Airport at sa Sasa wharf na marami rin ang namatay at karamihan ay mga bata.
Ano pa ang ipinag-uurung-sulong para hindi sila tawaging terorista. Kitang-kita sa kanilang ginagawa. Bagay na bagay at akmang-akma.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest