^

PSN Opinyon

Depektibo ang sewerage system ng nabiling house and lot

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Gusto kong humingi ng tulong tungkol sa house and lot na aming binili noong 2000. Sa aming paglipat, nadiskubre namin ang mga depekto sa sewerage system at iba pang problema. Ipinagbigay-alam namin ito sa developer na aming binilhan. Ilang beses na kaming pabalik-balik ngunit hindi inaayos ang mga nasabing problema. Nabayaran na namin ang house and lot ngunit hanggang ngayon ay wala pang aksyon dito.

Ano ang aming gagawin? – MYRNA ng Cavite


Maaari kang mag-file ng tatlong kopya ng verified complaint sa Regional Office ng Housing and Land Use Regulatory Board. Sa ilalim ng amended Presidential Decree 957 (Regulating the Sale of Subdivision Lots and Condominiums, Providing penalties for violations thereof), ang real estate owners, developers, operators, and/or sellers ay may responsibilidad na magbigay at panatilihin ang subdivision roads, drainage, sewerage system, lighting system at iba pang pangangailangan upang mapanatili ang kalusugan ng mga bumili ng lupa o lupa’t bahay. Kalakip ng inyong verified complaint ay ang mga supporting documents at bayad sa inyong filing fees. Kalakip din ng inyong verified complaint ay Certification for Non-Forum Shopping. Pagkatapos nito, ang HLURB ay magpapadala ng summons sa Respondent upang sagutin ang mga paratang laban sa kanya sa loob ng 20 araw lamang. Ang presensya ng tagapagtanggol ay opsyonal lamang.

ANO

CAVITE

DEAR SEC

HOUSING AND LAND USE REGULATORY BOARD

KALAKIP

MIKE DEFENSOR

NON-FORUM SHOPPING

PRESIDENTIAL DECREE

REGIONAL OFFICE

REGULATING THE SALE OF SUBDIVISION LOTS AND CONDOMINIUMS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with