Board member naging drug addict dahil sa gf na GRO

ALAM n’yo bang naging adik-adik na ang isang board member ng isang probinsiya dahil sa kanyang siyotang addict din?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Juan Elizalde ng Manila Broadcasting Company, Engr. Sonny Mondejar, Louie Sapia at Edwin Montilla.
* * *
Alam n’yo bang naging drug addict na ngayon ang isang board member dahil sa kanyang addict na girlfriend?

Ayon sa aking bubuwit, hindi na maintindihan ngayon ang nasabing board member dahil nagsasalitang mag-isa at bagsak na ang kanyang katawan.

Ang board member na ito ay nagkaroon kasi ng siyotang GRO. Upang maganda umano ang kanilang "bonding" bago sila mag-loving-loving ay tumitira sila ng droga. Noong una ay marijuana lamang ang hinihitit nila. Nang hindi na makuntento sa marijuana, lumipat naman sila sa shabu.

Naging sugapa na sa shabu si board member at nang wala nang pambili, siya na mismo ang lihim na nagbebenta ng drugs.

Ang malungkot dito, idinamay pa niya ang isang matandang janitress sa munisipyo. Ito ang ginagawa niyang taga-deliver ng shabu sa kanyang mga customer.

Hindi makapalag ang nasabing matanda kapag inutusan sapagkat siya ay tinatakot namang tatanggalin sa trabaho kapag hindi sumunod.

Nadakip ang matanda ng mga NBI agents. Kawawang matandang janitress!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil naging adik na talaga ang board member, siya ay ipina-rehab ng kanyang mga kapatid sa Metro Manila.

Dinala siya sa isang malaking hospital sa Makati City.

Ayon sa aking bubuwit, ang board member ng isang probinsiya na naging drug addict dahil sa siyotang GRO ay walang iba kundi si...

Magandang lalaki pa naman siya. Siya ay miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa Central Luzon. Siya ay si Board Member P. as in Pangasinan.

Show comments