Noong Biyernes, dalawang reporters natin ang naholdap sa jeepney. Natangayan ng pera, cellphone at palm pilot malapit sa Finance building sa Luneta. Katatapos lang ng aming staff meeting sa PSN office, Mag-aalas-nueve, lulan ng jeep patungong Fairview ang mga reporters nating sina Malou at Jhay nang magdeklara ng holdap ang apat na lalaking kasabay nila. May dalang improvised na patalim, nilimas ng mga demonyo ang salapi at mahalagang gamit ng mga pasahero. Tapos, umibis at naglakad patungong Kalaw Ave. Nakow... kung walang guwardya si Rizal, pati siya malamang holdapin ng mga kampon ni satanas na ito.
Bakit ba walang ka-ilaw-ilaw ang lugar na iyan? Mayor Tolits, ang garbu-garbo ng Roxas Blvd. sa makukulay na ilaw bakit hindi rin natin tanglawan ang mga lugar na pinamumugaran ng mga masasamang loob?
Nang magsumbong sa mga pulis ang ating mga reporters, nagtuturuan sila kung sino ang dapat mag-duty sa naturang lugar. Sabi pa ng mga hunghang, bakit sila ang takbuhan ng mga nahoholdap gayung ang tungkulin nilay magmando ng trapik. Ayon sa isang MMDA enforcer, araw-araw, gabi-gabi ay may nangyayaring ganyang holdapan. Anang mga pulis sa City Hall Detachment, hindi raw nila sakop ang naturang madilim na lugar Luneta. Anoh! Okay, siguro mga pulis ng Station 5 ang may sakop diyan. Pero wala ba kayong koordinasyong mga pulis? Hindi ba kayo ubrang makipagtulungan sa ibang istasyon sa ganitong mga sitwasyon, ha?
Ang isa sa mga cellphone na nakulimbat sa ating reporter ay may numero 0919 2143774. Subukan mong tawagan at sasagutin ka pa ng bagong may-ari kahit alam niyang ang cellphone ay nakaw. Sabi pa ng nasa dulo ng linya, taga-Crame raw siya.