^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Pang-aabuso ng mga sundalo

-
Kabi-kabila ang kinasasangkutang kontrobersiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sumabog ang akusasyon ng American missionary na si Gracia Burnham na may sabwatan ang military at mga teroristang Abu Sayyaf. Sinusuplayan umano ng pagkain ang Abu Sayyaf noong sila ay bihag pa at nagdemand ng 50 percent cut sa ransom ang isang general. Bago ang paglalahad ni Gracia sa kanyang librong "In The Presence of My Enemies" inakusahan na rin ang military ng pagpapatakas sa mga teroristang Abu Sayyaf kapalit ang malaking halaga ng pera makaraang salakayin ang isang hospital sa Lamitan, Basilan noong 2001.

Lumalawak at sumasabog pa ang mga kung anu-anong akusasyon sa AFP. Sumisingaw ang baho at hindi na mapigilan. Sa kabila na maraming akusasyon sa AFP, sinabi naman ni President Gloria Macapagal-Arroyo na nananatili siya sa panig nito. Itinanggi naman ng AFP ang mga paratang sa kanila.

Ngayo’y hindi lamang ang pakikipagsabwatan sa mga kaaway ng lipunan ang sumasabog laban sa military. Pati pang-aabuso sa karapatang pantao ay lumulutang. Marami ang nag-aakala na ang pang-aabuso ay nahinto na makaraang maguho ang rehimen ni dating President Ferdinand Marcos na ginamit ang sundalo para sa kanyang pamumuno. Mali ang akala sapagkat magpasahanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin ito. Maraming nagrereklamo na ang kanilang asawa, anak, kapatid, kamag-anak ay dinukot ng military at pagkaraan ay natagpuang patay. Inaakusahan umanong mga sumusuporta sa New People’s Army (NPA). Laganap sa maraming panig ng bansa ang umano’y hindi makatarungang pagpapahirap ng sundalo sa mga sibilyan.

Sa Oriental Mindoro ay laganap ang pang-aabuso sa karapatang pantao. Hindi na mabilang ang mga taong dinukot at pinatay ng military. Pinakahuli sa nakalasap ng pang-aabuso ay ang dalawang human rights activists na si Eden Marcellana at Eddie Gumanoy na umano’y dinukot ng mga hinihinalang military noong April 21, 2003.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) sa karumal-dumal na pagpatay. Lumulutang na mga "bata" ni Army Col. Jovito Palparan ang mga nagsagawa ng pagpatay. Sinibak na si Palparan subalit ang pumalit sa kanya bilang commander ng 204th Army Brigade ay hindi nakikipagtulungan para maisurender ang mga sundalong sangkot sa pagdukot, pagpapahirap at pagpatay.

Anong nangyayari sa AFP? Bumabalik sa masamang kahapon. Dapat matigil na ang pang-aabuso.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY BRIGADE

ARMY COL

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDDIE GUMANOY

EDEN MARCELLANA

GRACIA BURNHAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with