Malatubang rakpadudel sa Manila City Hall
May 13, 2003 | 12:00am
BIYERNES ng gabi, habang nakasakay sa pampasaherong jeep, hinoldap ang dalawa naming lady reporters kasama ang iba pang pasahero. Kinuha ang kanilang mga cellphones, handbags, complete set na palm top at iba pang importanteng dokumento.
Parang mga tipaklong ang apat na gagong holdaper sa may Old Senate Building, ilang metro ang layo sa Manila City Hall Police detachment.
Nataranta ang mga hinoldap kaya humingi sila ng tulong sa mga kamoteng rakpa diyan sa City Hall.
Sa awa ng Diyos, walang aksyon ang mga gagong ito.
Pinaikot lang ng mga rakpadudel ang mga pobreng naholdap pero wala silang ginawa.
Naglalakihan kasi ang mga tiyan nito at halos hindi makatakbo sa bigat at laki ng mga alahas sa katawan?
Saan kaya sila kumukuha ng pambili ng mga mamahaling alahas? Take note, DILG Secretary Joey Lina, Your Honor.
Ang masama pa, walang naka-uniform sa mga ito kaya duda kang magtanong kung rakpadudel nga sila kasi mas mukha silang hoodlum?
Kung umaksyon o hinabol agad ng mga malatubang rakpadudel ang mga holdaper tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit isa sa apat ay malalambat nila.
Dahil may mga scooter silang pupugak-pugak na nakaparada sa kanilang istasyon.
Sumbong sa akin ng aming reporters, sabi ng ilang malatubang rakpadudel noong Huwebes ng gabi ay may naholdap din at ganoon din ang modus operandi.
Kaya alam nilang matindi ang street crimes dito!
Humingi ng tulong ang aming reporters sa malatubang rakpa sa City Hall pero itinuturo sila na pumunta sa Station 5 porke ito raw ang nakakasakop sa lugar ng pinangyarihan.
Alam nyo ba kung ilang metro lamang ang layo ng City Hall detachment ng magtalunan ang mga holdaper matapos nilang kunin ang mga dala-dalahan ng mga pasahero ng dyip? Wala pang 200 metro!
Sandamakmak ang mga nahoholdap diyan sa may Lawton hanggang sa may Old Senate building vice versa pero imbes na aksyunan ang mga ito ay parang mga bingi ang mga rakpadudel.
Siguro si Mayor Atienza lang ang binibigyan ng seguridad ng mga rakpadudel kaya ayaw umalis ng detachment nila? tanong ng kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.
Eh, paano ang mga taong dumadaan dito hahayaan na lang ba ng mga rakpadudel na mabiktima ng mga kriminal? anang kuwagong hitad.
Baka alaga ng mga rakpadudel ang mga holdaper kaya ayaw nilang kumilos? sabi ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
Siguro nga! anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Kaya tuloy sinusuka, takot at walang tiwala ang public sa rakpa dahil wala naman ginagawa.
WPD bossing Bulaong ano ba ito?
PNP Chief Jun Ebdane, Sir, dalhin mo muna sila sa Mindanao para mapraktis at mabatak ang mga kinakalawang nilang tuhod?
Masyado na raw silang bundat sa pakinabang sa mga holdaper?
Kaya siguro ayaw nilang kumilos!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended