^

PSN Opinyon

Sagot ng PNP lalong malabo

SAPOL - Jarius Bondoc -
KATAKA-TAKA na ‘yung kalabang diyaryo ang nagbabandera ng sagot ng PNP sa exposé ko. Ayoko mag-isip ng masama. Pero kung ganyan ang asal nilang labag sa journalism ethics, maghihinala akong nagkabayaran.

Sinulat ko na hindi ni-remit ng PNP ang milyon-milyong piso na kinaltas nu’ng Disyembre sa suweldo ng mga pulis – pambayad sana sa utang nila sa Armed Forces & Police Savings and Loan Association. Ang naputukan ay ang libu-libong kawawang kinaltasan. Para maka-utang muli, kailangan abonohan nila ang dati nang kinaltas sa kanila, at may multa pang pinataw ang AFPSLAI.

Banat ni PNP comptroller Chief Supt. Oscar Calderon sa kalabang diyaryo, hindi raw nila sinasadya ang pangyayari. Kinapos daw kasi ang pera ng PNP. Matapos daw nilang bayaran ang BIR, Pag-IBIG, Philhealth at iba pang financial institutions, wala nang natira para sa AFPSLAI.

Mababaw na palusot ‘yan. Ang pinambayad nila sa BIR at iba pa ay kinaltas din mula sa suweldo ng pulis, tulad ng pambayad-utang sa AFPSLAI.

Hindi ito pera ng PNP kundi ng mga pulis. Hinawakan lang nila ito para organisadong i-remit sa AFPSLAI o ano pa mang ahensiya. Kaya, papano sasabihin na kinapos ang pera ng PNP?

Sumulat sa akin si retired PNP Dir. Rufino G. Ibay Jr., president ng AFPSLAI, para magpasalamat. Ayon sa kanya, ni-remit naman daw ng PNP ang kinaltas sa suweldo ng mga pulis nu’ng Enero, Febrero at Marso.

Teka, ibig sabihin pala ‘yun lang deductions nu’ng buwan ng Pasko ang inipit? Naku, baka totoo ang ugong-ugong sa Camp Crame na pinag-interesan ng kung sinong opisyal ang pera ng mga pulis. At malaking interes ’yon. Baka raw nilagay sa money market ang mahigit P628 milyon na kinaltas, para ibulsa ang interes. Aba’y sa 2% per quarter lang – apat na buwan na ngang late ang pag-remit – P12.56 milyon na ang interes sa P628 milyon. Tama nga ako: pati kapwa-pulis kinokotongan.
* * *
Abangan: Linawin Natin, Lunes, 11 p.m., sa IBC-13.

ABANGAN

ARMED FORCES

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

IBAY JR.

LINAWIN NATIN

OSCAR CALDERON

PNP

POLICE SAVINGS AND LOAN ASSOCIATION

RUFINO G

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with