At kapag operational na ang terminal, babawiin ang dambuhalang halagang iyan sa mga pasahero sa pamamagitan ng pagsingil ng sobra-sobrang terminal fee.
Sa ilalim ng anomalous contract, obligado ang gobyerno na ibalik ang ginugol ng PIATCO sa pagpapatayo ng naturang terminal. Iyan ang nadiskubre ng Senate Blue Ribbon Committee sa naunang imbestigasyon nito.
Ayon kay Sen. Joker Arroyo, kabuuang $5.5 milyon o P27 milyon ang kontrata ni Alfonso Leongson sa PIATCO bilang PR consultant. Bukod diyan, pinaglaanan din ng PIATCO si Leongson ng P187.5 milyong consultancy fee sa susunod na 25 taon. Katumbas iyan ng dumadagundong na P75 milyon kada taon!
Sandamakmak na milyones talaga ang involved sa anomalyang ito. Bukod kay Leongson, babayaran din ng PIATCO ang Philippine Air and Ground Services Terminal (PTI) ng halagang $23 milyon. Iyan daw ang halaga sa operasyon ng terminal at hinirang ng PIATCO ang PTI na mangasiwa sa Terminal 3 noong taong 2000.
Tama si Joker sa pagkuwestyon sa planong pagbabayad ng PIATCO sa PTI. Bakit nga naman babayaran eh wala namang pinangasiwaang terminal ito!?
Isa lang ang kahulugan niyan. Handa ang PIATCO na magtapon ng malaking pera para makakuha lang ng juicy contract na pabor dito.