Puwede bang makautang ng pang-tuition sa Pag-IBIG?
May 11, 2003 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Ako ay empleyado sa pribadong kompanya at may tatlong anak na nag-aaral. Malapit na naman ang pasukan at kapos ako sa aking pondo sa pagbayad ng kanilang tuition fees. Ang pagkakaalam ko ay maari akong makahiram sa Pag-IBIG ng pangmatrikula. Maari ba ninyo akong tulungan sa aking pangangailangan sa pamamagitan ng impormasyon tungkol dito? Manuel ng Pasig City
Sa pamamagitan ng Multi-Purpose Loan Program ng Pag-IBIG, maaaring makahiram ang isang miyembrong nakapaghulog na ng 24 monthly contributions sa Pag-IBIG at kasalukuyang aktibong naghuhulog ng kanyang buwanang kontribusyon.
Ang Multi-Purpose Loan benefit ay nagbibigay ng financial assistance sa ating mga miyembro na makahiram sa ating ahensiya sa mga sumusunod na mga pangangailangan: Edukasyunal, medikal, pagbili ng appliance o kagamitan sa bahay, pagtatayo ng negosyo at iba pang importanteng pangangailangan.
Ang halaga ng maaring mahiram ay batay sa halaga ng 60 porsiyento ng Total Accumulated Value (TAV) ng inyong kontribusyon. Ang interes nito ay nagkakahalaga ng 10.75 porsiyento bawat taon. Babayaran ito sa loob ng dalawang taon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended