Pugutan ng ulo ang mga pulis na nagpatakas sa kriminal na si Glicerio Pitulan!
May 11, 2003 | 12:00am
DAPAT lang na paimbestigahan ni Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco, hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang misteryosong pagtakas ng kriminal na si Glicerio Pitulan, 25 ng Antipolo City sa kanyang hospital bed noong Huwebes.
Nagbuwis kasi ng buhay ang pulisya natin sa katauhan ni PO1 Andy Monteroso para lang mabuwag ang grupo ni Glicerio at hindi magandang tingnan na dahil sa laxity ng mga kabaro niya eh lalong madagdagan ng pighati ng pamilya ng biktima. Kung sino man ang may kasalanan dapat pugutan siya ng ulo ni Velasco, di ba mga suki?
Nagulat na lamang ang mga operatiba ng Central Police District (CPD) ng hindi na nila mabungaran si Glicerio sa East Avenue Medical Center kung saan siya nagpapagamot sa tinamo niyang sugat sa balikat. Ito kasing grupo ni Glicerio ay nakipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Toro sa Quezon City noong Abril 20 na ikinamatay nga ng lima niyang kasamahan. Sa panig naman ng pulisya, si Monteroso ang napuruhan at nasugatan naman si PO2 Benito de Vera. Ang mga namatay naman sa panig ni Glicerio ay ang mga kapatid niyang sina Eufemio, Eduardo, Felomino at Serge at pinsan na si Augusto Torres.
Matatandaan na habang ginagamot siya sa ospital aba buong tapang pang inakusahan nitong si Glicerio ang pulisya na isinalvage ang kanyang kasamahan. Eh paano mangyayari yon dahil namatayan nga ang pulisya natin at nandiyan pa si De Vera na magpapatunay na may nangyaring labanan. Sa report na natanggap natin, may apat na tauhan ng pulisya ang kasalukuyang iniimbestigahan. Ito kasing si Glicerio ay dapat guwardiyahan sa loob ng 24-oras subalit kung ano ang dahilan hindi nakapag-report ang naatang na guwardiya sa araw na tumakas siya. May daan-daang libo kayang dahilan? Posible di ba mga suki?
Sa pag-imbestiga ng pulisya, ito palang grupo ni Glicerio ang may kagagawan ng sunud-sunod na nakawan dito sa Metro Manila. Ang pinakahuling biktima nga ng grupo ay itong professor sa University of the Philippines (UP) kung saan nilooban nila at nilimas ang buong kabahayan. Napatunayan ng pulisya na ang asawa pala ng isa sa mga namatay ay dating tagapag-alaga ng anak ng UP professor kayat alam nila ang pasikut-sikot ng bahay. Nakasuhan na ng pulisya ang asawa na ito. Sa pagbura naman ng grupo ni Glicerio nabawasan ang masasamang elemento na umiikot sa kalyehon ng Metro Manila.
At napatunayan na naman nitong kaso ni Glicerio na wala talagang ibubungang maganda ang kasamaan. Sa murang edad kasi eh tigok na sila. Kung tutuusin, maaring namuhay sila at ang kani-kanilang pamilya sa karangyaan noong nasa kainitan pa ang ilegal na gawain nila. Pero bigla ring naputol at kung may naipon man sila tiyak mauubos din at ang maiiwang kawawa ay ang mga pamilya nila. Sino pa ba ang tatanggap sa maiiwan nila sa trabaho eh may masamang marka na sila. At pati kapitbahay nila iiwasan sila.
Kaya kayong mga masasamang-loob dyan magbago na kayo. Huwag nyo ng antayin pa na sapitin nyo itong nalasap ng pamilya Glicerio. Maaring kapag talamak na kayo ay mahuli rin kayo tulad ni Glicerio at tumakas nga, he-he-he! Eh paano kung magaling ang scriptwriter nyo tiyak hindi na kayo magkikita ng pamilya nyo, di ba mga suki?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended