Ito ang sabi ni Grace, nang magkausap kami sa telepono noong Martes, before lunch.
Inilabas kasi ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong Sabado na kumita raw si Grace kay Saddam bago pumutok ang giyera sa Iraq?
Nakakuha umano si Escalante, ayon kay Agent U-2-10 sa DFA, sa gobyerno ni Saddam ng 5 milyong bariles ng langis. Hindi niya ito opisyal na ini-report sa kanyang mga amo?
Ibinenta umano nila ito sa isang Pakistani oil trader na kaibigan ni Adnan Kashogi, ang arms dealer na bestfriend ni Ferdinand Marcos noon?
Para ipabatid natin kay Madam Grace na malalim ang mga kuwago ng ORA MISMO at si Agent U-2-10 sa DFA, narito pa ang ilang impormasyon tungkol sa kanya.
Naging bantulot daw si Escalante na sundin ang utos ng Prez Arroyo na mag-evacuate ng mga Noypi at mga pamilya nito sa Baghdad.
Sa anong dahilan?
Ayon kay Agent U-2-10 sa DFA, lahat ng mga anak ng mga Noypi sa Iraq ay nag-aaral sa Baghdad International School at mawawalan ng estudyante ang nasabing paaralan kapag umalis ang mga ito.
Alam ba ninyo kung sino ang pinuno o chairman ng Baghdad International School? Si Madam Grace Escalante raw!
Ang Philippine Embassy sa Baghdad ay tila naging business office para sa isang kompanyang Noypi na nagtatangkang magnegosyo sa Iraq. Pati umano satellite phone at computers ng ating embahada ay ginagamit ng grupong ito. Sa bahay din daw ni Madam Grace tumutuloy ang mga ahente ng naturang kompanya. Ang kompanyang ito ang naging front daw ni Grace para makakuha ng oil allocation kay Saddam?
Alam ba ninyo kung sino ang nag-organisa ng kompanyang ito? si Madam Escalante raw!
Ilang araw bago pumutok ang giyera sa Iraq, nagpalabas ng istorya ang Associated Press, na naging front page sa isang broadsheet dito, kaugnay sa mga videoke party ni Escalante. Ayon sa AP story, si Madam Escalante raw ang pinakamahusay na host ng mga party sa lahat ng mga diplomat sa Baghdad.
Para raw bang si Nero na nagbibiyulin habang nasusunog ang Roma.
May kopya tayo ng handwritten letter ng isa sa mga Naypi na naiwanan sa Iraq dahil may asawang Iraqi. Sa sulat, nagrereklamo ang Naypi na wala na siyang ginawa ilang linggo bago magkagiyera kundi ang magluto at mag-serve sa mga party ni Madam Escalante. Sayang daw ang tsapit.
Ang sabi pa sa sulat, pinapipirma raw ng blankong resibo ang Naypi sa ibinabayad sa kanya sa kanyang pagsisilbi. Walang nakalagay na amount?
Siya, siya! Abangan ang susunod na kabanata!
Hindi tayo nag-aakusa. Nagtatanong lang. Iniimbitahan natin si Madam Grace na sagutin punto por punto ang alegasyon at bibigyan natin ng puwang in the interest of fair play.