Kinasuhan sina Nilda at Isko ng paglabag sa Dangerous Drugs Act. Itinanggi ito ng dalawang akusado. Subalit nahatulan pa rin sila ng Korte at nasentensiyahan ng reclusion perpetua at multang P500,000. Tama ba ang hatol ng korte?
MALI. Ang paraan ng pag-aresto kina Nilda at Isko ay ilegal. Una, ang mga pulis na umaresto ay walang personal na kaalaman na sa oras ng kanilang pag-aresto, ginagawa ng dalawa ang krimen, o gagawin pa lang o kayay nagawa na ito. Ikalawa, wala silang personal na kaalaman na ginawa nga nila Nilda at Isko ang krimen. Ikatlo, hindi naman mga takas na bilanggo sina Nilda at Isko para arestuhin ng walang warrant.
Sa kabilang banda, malinaw din na ang mga pulis ay nagkulang sa pagmamatyag. Dahil tukoy naman ang lugar at ang mga taong aarestuhin, dapat sana ay kumuha sila ng isang search and seizure warrant bago naisagawa ang pag-aresto.
Ang pag-aresto ay ilegal kaya ang mga nakumpiskang gamit ay hindi rin magagamit para makasuhan sina Nilda at Isko. Kaya ang dalawa ay napawalang-sala (People of the Philippines vs. Bolasa et. al. G.R. No. 125754 December 22, 1999).