^

PSN Opinyon

Nahulihan ng marijuana

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NAGSIMULA ang kaso nang makatanggap ng isang tip ang mga pulis tungkol sa isang babae at lalaki na nagbabalot ng marijuana sa isang bahay. Nagmamadaling nagpunta ang mga pulis sa bahay at iginarahe na lang ang kotse sa layong 300 metro. Nang makarating na sila sa bahay, sumilip sila sa isang maliit na bintana at nakita nila ang isang babae at lalaki na nagbabalot ng ilang bagay na wari nila’y marijuana. Pinasok nila ang bahay, nagpakilalang mga pulis at kinumpiska ang mga balot at ibang gamit. Inaresto nila ang dalawa na nakilalang Nilda at Isko. Sa NBI Forensic Chemist, nakumpirmang marijuana ang binabalot nina Nilda at Isko.

Kinasuhan sina Nilda at Isko ng paglabag sa Dangerous Drugs Act. Itinanggi ito ng dalawang akusado. Subalit nahatulan pa rin sila ng Korte at nasentensiyahan ng reclusion perpetua at multang P500,000. Tama ba ang hatol ng korte?

MALI.
Ang paraan ng pag-aresto kina Nilda at Isko ay ilegal. Una, ang mga pulis na umaresto ay walang personal na kaalaman na sa oras ng kanilang pag-aresto, ginagawa ng dalawa ang krimen, o gagawin pa lang o kaya’y nagawa na ito. Ikalawa, wala silang personal na kaalaman na ginawa nga nila Nilda at Isko ang krimen. Ikatlo, hindi naman mga takas na bilanggo sina Nilda at Isko para arestuhin ng walang warrant.

Sa kabilang banda, malinaw din na ang mga pulis ay nagkulang sa pagmamatyag. Dahil tukoy naman ang lugar at ang mga taong aarestuhin, dapat sana ay kumuha sila ng isang search and seizure warrant bago naisagawa ang pag-aresto.

Ang pag-aresto ay ilegal kaya ang mga nakumpiskang gamit ay hindi rin magagamit para makasuhan sina Nilda at Isko. Kaya ang dalawa ay napawalang-sala (People of the Philippines vs. Bolasa et. al. G.R. No. 125754 December 22, 1999).

vuukle comment

BOLASA

DAHIL

DRUGS ACT

FORENSIC CHEMIST

IKALAWA

IKATLO

ISKO

NILDA

PEOPLE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with